LTML 05

273 49 6
                                    

Happy Reading!



"Ang lola ninyo dinala sa ospital." Agad na bumalot ang kaba at pag-aalala ko sa sinabi ni Mama.

Nakikinig lang ako sa pag-uusap ni Mama at Kuya. Pansamantala nilang isinantabi ang tampo sa isa't-isa dahil sa kalagayan ni Lola. Bibisitahin daw namin ito mamaya. Parehong saya at kaba ang nararamdaman ko. Saya dahil makikita ko na ulit si lola at kaba naman dahil sa kaalamang ospital ang pupuntahan namin.

Dinadala doon ang isang tao kapag may sakit, malubha man o hindi. May iba pa nga na doon na rin binabawian ng buhay.

Sinong hindi kakabahan?

Hindi ako mapakali habang nagpapalit ng pang-alis na damit. Nag-aalala kasi talaga ako sa lagay ni Lola. Sana ay ayos lang siya. Pinakalma ko ang sarili at nag-isip ng mas positibo upang mawala ang pag-aalala. "Makikita ko na ulit si Lola," nakangiting bulong ko.

Hindi naging matagal ang byahe namin papunta sa ospital. Walang traffic sa kalsada dahil siguro kakaunti lang ang umaalis ng bahay. Medyo maulan pa rin kasi at madilim ang kalangitan. Hinintay muna namin na maipark nila Kuya ang dalang motorsiklo pati ang kay Mama. Silang dalawa ang nagmaneho habang angkas ni Mama si ate at bunso, ako naman ang kasama ni Kuya Ares.

Pumasok na kami sa entrance ng ospital at dumeretso sa information desk doon para alamin ang kwarto na inuukupa ni Lola. In-assist naman agad kami ng nurse, sa third floor ang kwarto na sinabi sa amin. Nagpasalamat si Mama bago kami sumakay sa elevator para mas mabilis na makarating sa taas.

Habang lulan ng elevator ay pabigat rin ng pabigat ang pakiramdam ko. Bumukas iyon ay naglakad na kami sa hallway habang hinahanap ang room number ni Lola. Hindi naman gano'n kahaba ang pathway pero sa paningin ko ay para iyong walang dulo.

Kahit anong gawin kong paglalakad ay hindi ko matanaw ang hangganan ng nilalakaran ko. Ano bang nangyayari? Nang lingunin ko sila Mama ay nagtaka ako dahil wala na sila doon. Ako na lang mag-isa sa lugar na 'yon.

-

"Mala." Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang boses na iyon.

Nandito siya?

Nawala sandali ang atensyon ko sa paghahanap kila Mama. Pabaling-baling ang tingin ko sa paligid hanggang sa huminto iyon sa isang imahe na may ilang metro ang layo sa akin.

Gusto kong magsalita ngunit hindi ko alam ang dapat sabihin. Gusto ko siyang tawagin kaya't sinubukan kong banggitin ang pangalan niya.  Ibinuka ko ang bibig ko ngunit walang anumang salita ang lumabas doon.

Inihakbang ko ang mga paa ko para lapitan siya. Hindi ko maintindihan ang emosyon na ipinapakita ng mga mata niya. Bagamat nakangiti ito ngunit hindi umabot sa kaniyang tainga ang ngiti nito. May kakaibang emosyon na nais ipahiwatig ang mga mata niya.

Ilang dipa na lang ang layo ko nang mawala ang ngiti sa mga labi niya. Nilakihan ko pa ang hakbang ko at inangat ang aking kamay para sana hawakan siya ngunit bigla itong parang naging abo at unti-unti na nililipad ng hangin. Naglalaho siya sa harapan ko.

Alam kong walang magagawa ang pagpigil ko pero sinubukan ko pa rin. Nawawalan ng lakas na tinawag ko ang pangalan niya. "Ace… " Pilit ko siyang inaabot kahit parang may pumipigil sa mga hakbang ko. Ganoon ang naging senaryo hanggang sa tuluyan na itong naglaho sa paningin ko, "Ace, huwag kang umalis…" nanghihina bulong ko.

-

"Ate Mala!" Bumaba ang tingin ko kay Shan dahil sa pagtawag niya.

Anong nangyari?

Nilibot ko ang tingin sa paligid, nasa harap na kami ng silid ni Lola. "Ate!" Muling tawag ni Shan kaya tuluyan ng bumalik ang isip ko sa realidad.

"Bakit?"

"Samahan mo raw si Kuya mamaya, may bibilhin," aniya at muling tumingin sa pinto. Akala ko naman kung ano na. Kumatok muna si Mama bago kami pumasok sa loob.

Sinalubong kami ni Tita Annie, siya ang bunsong anak ni Lola, nag-iisang babae lang din siya sa magkakapatid.

Agad na nanuot sa ilong ko ang amoy ng kwarto. Ang matapang na amoy ng gamot. Nasa loob din ang dalawa kong pinsan na babae, ang isa sa kanila ay anak ni Tita Annie.

Pinaupo muna kami ni Tita saka hinarap si Mama at nakipag-usap. "Kumusta ang nanay? Kanina pa ba siya tulog?"

Tumango naman si Tita, "oo, kaninang tanghali lang siya nailipat dito." Sandali niya kaming tiningnan bago si Mama, "kumain na ba kayo? May tinapay pa d'yan. Si Shan baka gusto niya," alok nito.

"Tapos na kami bago magpunta dito." Si Mama na ang sumagot. Lumabas muna sila para mag-usap. Siguro ay nag-aalala sa kung anong maririnig namin.

Bumaling naman ang tingin ko kay Lola na nakahiga at natutulog sa hospital bed. Napakapayapa at mahimbing ang tulog nito. Medyo maputla ang mukha nito. Hinila ko ang silya at itinabi iyon kay Lola at doon naupo.

Pinakatitigan ko ang kaniyang mukha at malungkot na napangiti. Pinipilit kong alisin ang takot sa isip at puso ko pero ang totoo ay natatakot at nag-aalala ako para sa kaniya.

Hindi ko naisip na pwedeng mangyari ito. Mlakas pa kasi sa kalabaw ang lola ko. Parang hindi ito dinadapuan ng sakit. Napakasipag pa nga nitong pumunta sa bukid na pagmamay-ari niya. Katulong sa pangangalaga doon ang lima niyang mga anak kabilang si Papa bago ito umalis. Sa ngayon ay ang apat na mga anak niya ang nagsisilbing caretaker ng bukid. Tatlong lalaki at si Tita Annie.

"Apo." Mahina ang boses na tawag ni Lola na bahagyang ikinalki ng mata ko. Tinuon ko agad ang buong atensyon sa kaniya.

"La, ayos lang po ba ang pakiramdam niyo?" Tanong ko, pumalibot agad sila Kuya nang malaman na gising na si Lola. Kahit pa nanghihina ay sumilay pa rin ang matamis na ngiti sa kaniyang labi. Hawak ko ang kamay niya at mahinang pinipisil iyon.

"Masaya akong narito ka, narito kayo…" piinigilan ko na maluha dahil sa pilit na pagtatago ni Lola ng sakit sa boses niya. Alam kong may iniinda ito pero ayaw niya lang mag-aalala kami.

Tinawag nila sila Tita para ipaalam na gising na si Lola. Makalipas ang ilang minuto ay may pumasok na nurse para icheck ang vitals niya at para ipaalala ang oras na iinom ito ng gamot. Si Tita ang kausap nito habang kami ay kausap si Lola.

Walang sinabi ang mga nakakabit na aparato sa kaniya dahil kahit pa nahihirapan na magsalita ay panay ang pagkukuwento nito. Napapangiti na lang kami dahil sa lakas nitong si Lola. Walang sakit ang titibag sa kaniya.

Sigurado akong ilang araw lang ay lalabas na rin siya sa ospital na ito. Magiging maayos din ang lagay ng kalusugan niya.

Kinailangan namin na umuwi na pagsapit ng dilim pero ayaw kaming paalisin ni Lola kaya naman hinintay pa namin na makatulog ito bago umuwi. Bago kami lumabas ng kwarto ay nilapitan ko siya at hinawakan ang kamay nito. "Magpagaling po kayo kaagad, Lola."



Kendingmaxx

Letters To My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now