LTML 36

180 14 0
                                    

Happy Reading!



"Paumanhin kung nagulat man kita sa aking pagdating." Nakangiting aniya ni Ace habang ako ay naiilang at namumula pa rin ang pisngi na nakaupo sa tabi niya.

"O-Oo nga, gulat na gulat ako." Nakailang lunok na ako sa sariling laway dahil parang nanunuyo ang lalamunan ko. Wala akong maprosesong mga salita. "Ano nga pala ang ginagawa mo rito?" Sa wakas ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na magtanong.

Dapat ko na bang ikatuwa ang sunod-sunod na pagkikita namin? Mamaya kasi ma-hopia lang ako.

"Upang makita ka," Diretsong sagot niya kaya naman napaiwas ako ng tingin. Walang preno man lang dong? "Sa tulong ng aking kapatid nagawa kong masalisihan ang mga bantay ng hindi nila napapansin ang aking presensya." Wika niya na akala mo ay nanalo sa isang competition.

"Bakit mo naman ako gustong makita?" Muling tanong ko, nagkibit balikat lang siya. "Kung gano'ng pinagbabawalan kang pumunta pa dito?"

Obvious naman iyon, mukhang hindi sang-ayon ang mama niya na kung saan-saan ito nagpupunta. Paano na lang kaya kapag nalaman pang may kinikita siya?

Hindi naman siguro aabot sa isumpa ako no'n? Jusme.

"Ako man ay walang ideya kung bakit ganoon na lamang ang kagustuhan kong makita ka." Wala akong naisagot sa mga sinabi niya. "Masaya rin ako sapagkat nakakausap na rin kita."

Nanatili kaming tahimik na pareho at simoy lang ng hangin at mga kuliglig ang maririnig sa paligid. Dumako ang paningin ko sa suot niya.

Pinigilan kong mapangiti dahil sa ayos niya, hindi siya nakasuot ng damit na madalas niyang suotin kapag nagpapakita sa akin.

Not the usual Ace style pero ang lakas pa rin ng dating nito.

Simpleng t-shirt na puti, pantalon at tsinelas ang suot nito. Pati ang mga nakalagay sa kaniyang palapulsuhan ay wala rin. Medyo maluwag sa kaniya kung titingnan ang t-shirt na suot. Gulo-gulo ang kaniyang buhok na paminsan-minsan ay nililipad ng hangin.

Unfair!

Kahit siguro sako ang suotin niya lilitaw pa rin ang natural niyang kagwapuhan.

I mean, itatanggi ko pa ba? Harap-harapan ko namang nakikita.

"Ang ganitong uri ng pananamit ay hindi pamilyar sa akin. Pinahiram ito sa akin ng kasintahan ng aking kapatid." Napunta ang tingin ko sa kaniyang mukha. Ang mga mata niya na natatamaan ng liwanag ng buwan, sobrang gandang tingnan.

"Ganito kita nakita sa panaginip ko." Wala sa sariling sambit ko. Umarko ang dalawang kilay niya, nagtataka marahil sa sinabi ko. Umiling ako at pilit na ngumiti na lang.

Pero hindi ba may kakayahan siyang gawin 'yon? Siguradong alam niya ang tungkol doon. Nabasa ko na ang ganoon sa—

"Nakita mo ako sa iyong panaginip?" Tanong niya, ako naman ang nagtaka.

"Oo." Sagot ko.

"Kailan?"

Sobra yata ang pag-iisip ko, syempre may limitations din siguro ang powers nila diba Mala?

"Matagal na rin, hindi ko na maalala ang eksaktong petsa." Pagsisinungaling ko. Sinulat ko kaya ang araw na iyon. "Gaano ka pa katagal maaaring manatili?" pag-iiba ko ng topic.

Sana magtagal siya kahit ngayong gabi lang, may kakaiba kasing epekto ang presensiya niya sa akin na hindi ko mapangalanan. Gumagaan ang pakiramdam ko kapag malapit siya. "Narito ako ngayon, sa palagay ko 'yon ang mas importante. Hindi ba?"

Okay, sabi mo e. May palag ba ako?

"Tama, oo nga. Pasensya na sa tanong ko."  Sana manatili ka pa.

Letters To My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now