LTML 50

207 6 0
                                    

Happy Reading!



I actually hoped and waited.

Isa-isa ko ng iniligpit ang mga gamit ko, pagkatapos ay inayos ang pagkakatali ng aking buhok at tumayo na para maghandang umuwi.

As I walk out of my office I sigh a couple of times. Tumingin ako sa relong pambisig ko at lalo lamang nawala ang pag-asa kong darating pa siya. It's past eight pm already, maybe he's still in the hospital with her or something.

I should go home.

Sumakay ako sa elevator at pinindot ang ground floor button. Nakatulala lang ako sa repleksyon ko sa pinto ng elevator habang naghihintay na huminto ito sa ground floor ng building. Walang kagana-gana akong lumabas pagkabukas niyon.

A quiet lounge approached me, ang yapak ng aking heels at ang tunog ng ibang appliances na narito ang siyang naririnig ko. Bago ako tuluyang makalabas ng gusali ay nakasalubong ko pa ang guwardiya.

"Pasensya ka na Kuya, medyo natagalan ang paghihintay mo."

"Okay lang po Ma'am, trabaho ko naman po ito."

Ang paghihintay ho? Kidding.

Nginitian ko ito at saka nagpaalam na rin. Mabuti may taxi na akong na-book kanina kaya hindi na ako nahirapan sa pag-aabang at paghihintay.

Paghihintay…

"Sa Dalton Royale ho, Manong." Imporma ko sa driver nang makasakay ako. Hindi muna pala ako uuwi. I can't go home na ganito, lugong-lugo, I'd rather be wasted than pathetic and upset when I get home.

Won't you just be both like that after drinking?

Ay ewan!

I need a drink, a hard one.

Sumandal ako sa upuan at tumingin sa labas ng bintana. Why are these things keep on happening to me? To us. Kung kailan handa na akong pakinggan ang sinasabi ng puso ko saka naman tumututol ang pagkakataon. Saka may mga paganitong ganap o eksena. Kapag naman pinipigilan ko ang lahat ng pakiramdam na 'to, doon naman panay ang push niya.

Mababaliw na ako sa sobrang pagkalito sa gustong iparating ng tadhana sa akin, sa amin ni Ace.

Mayroon nga bang kami?

Ang sagot, wala.

Hindi naman porket nagkita ulit kayo pagkatapos ng ilang taon, babalik na sa dati agad.

Hindi kay Ace o sa Clarisse na 'yon ako naiinis, kundi sa sarili ko. I hate myself because I'm having these irrational thoughts that I shouldn't have. I want Ace to talk and be with me instead of being with Clarisse.

Such a devious thought. Parang mas malala pa ako sa ugali ni Clarisse.

Speaking of whom, I don't know anything about her condition. Si Ace lang ang nakakaalam ng detalye so don't really know what to feel about her being unconscious earlier. Nagulat ako syempre. When Ace said na she doesn't have anyone para samahan siya, my immediate thought was that she needs him lalo na sa kondisyon nito ngayon. Kahit pa wagas ang kamalditahan na ipinakita nito sa akin at sa mga tao sa paligid niya at kahit pa ang sarap niyang tirisin, may puso pa rin ako 'no!

Ayaw kong gamitin ang kahinaan niya dahil lang gusto kong makausap at makasama si Ace.

Nang makababa ay nagbayad at nagpasalamat ako sa driver. I headed to the entrance of the club and entered. I sat on the stool facing the bartender. He's mixing different kinds of beverages and he seems like a pro doing it.

Letters To My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now