LTML 43

204 15 0
                                    

Happy Reading!




"For you." Walang kagana-gana kong siyang tiningnan at ang bulaklak na hawak nito. "Tanggapin mo na ang isang ito, sabi ng ginang na pinagbilhan ko ay bagong pitas lamang ang mga  'yan."

Alam kong narito na naman siya para sa tanong na 'yon. Sa nakalipas na mga araw ay panay ang pagpapadala nito ng bulaklak at nalaman ko rin na sa kaniya pala galing ang natatanggap kong bulaklak habang nasa States ako.

Hindi ko alam na ganoon ka-creep ang lalaking ito.

Syempre kaya niyang gawin 'yon, I don't know why it doesn't feel weird nung malaman ko. Siguro dahil hindi naman nawala sa isip ko na may mga kakaiba talaga siyang kakayahan.

He probably did something to know where I am.

Ang nakakatawa pa, inisip ko talagang dahil nga kaya niyang magpunta sa akin ay magagawa niya rin akong kausapin tungkol sa nalaman ko, sa bride niya noon pero wala. Tapos ngayon siya pa talaga ang may lakas ng loob na tanungin ako sa dahilan ng hindi ko pagpapaalam?

Gusto daw akong makausap pero may babae on the side? Nagbago na ang isip ko, I don't want to talk to him nor be near his presence anymore.

"Why can't you just let me live my life in peace, huh, Mr. Michaelidés? I told you already, hindi na mahalaga ang rason ko kaya hindi mo na kailangan pang—" Napatanga na lang ako dahil basta na lang itong umupo sa couch at prenteng sumandal pa. "Wow! Just wow! Hindi kita inalok na umupo."

"It does matter to me, Mala. I also want that peace to the both of us, believe me." Hindi talaga ito papayag na malihis kahit sandali ang topic e, 'no?!

Why does my name have to sound so good from his lips? Lason!

"You don't have to know about it, nakaraan na iyon. I moved on without knowing the truth —"

"No, you were just distracted."

"What are implying by that?"

"Sinasabi ko lang na—"

"Accept it. I don't lo—like you anymore."

Peste madudulas pa!

I rolled my eyes at nagpakawala ng hininga, naiirita na ako. "I left para sa pangarap ko, it has nothing to do with you, Ace. Gets?" Matigas kong sabi habang nakatingin sa kaniya. "So please, leave and don't bother me again."

Parang may dumali sa puso ko para bumilis ang tibok non nang lumingon ito sa akin at magtama ang mga mata namin. I tried to look away pero hindi ko magawa. Animong sinasabi ng nga mata niya na huwag kong iaalis ang tingin ko doon. "That's not what I want to know. Masaya tayo nang panahon na 'yon, palagi tayong magkasama. Ayaw ko na ngang umalis sa piling mo at masdan na lang ang ngiti mo kung kaya ko, kung pwede lang. I know and I can feel that we have something special back then but you left me without even a word." May espesyal nga ba? "Why?" Puno ng hinanakit ang boses nito.

"I thought that we had something special too, but I was wrong." I answered, I was trying hard to not stutter.

Ganoon ba talaga ang epekto ng pag-alis ko noon sa kaniya o nagpapanggap na naman siya na may pareho kami ng nararamdaman?

Sana naman ay hindi.

Para akong naestatwa sa kinauupuan nang bigla ay nasa harap ko na ito. Hindi man lang naputol ang tingin namin pero nagawa niyang makalapit. Umatras ako at tumama ang likod sa sandalan ng swivel chair ko. "Lumayo ka, Mr. Michaelidés." Pinanlakihan ko siya ng mata, nagbabanta.

Sobrang lapit niya!

Nanuot sa ilong ko ang panlalaki niyang pabango at sobrang pagpipigil ang ginagawa ko para hindi habulin ang amoy niya.

Letters To My Love (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora