LTML 40

162 12 0
                                    

Happy Reading!



Nang lumapag na ang eroplanong sinasakyan namin ay nagpunta muna kami sa isang coffee shop na malapit sa airport.

Kailangan ko ng pampagising ng kaluluwa ko.

Nangalay ata ang likuran ko sa tagal ng pagkakaupo. Medyo inaantok din ako, hindi ako gaanong nakatulog sa byahe dahil sa kakaisip sa meeting ko with the investor.

Hindi ko alam kung bakit para akong kinakabahan. This isn't the first time na haharap ako sa isang big time na tao. Lalo na sa work ko abroad sa company nitong si Boss, minsan tuloy napagkamalan pa akong sekretarya nito.

"You look pale." Napabaling ang tingin ko sa kaniya ng magsalita ito. "Still having jetlag?"

"I guess." Tugon ko, kinuha ko ang phone ko sa bag saka binuksan 'yon. Dahil nga sa kaba ay hindi ko pa rin nababasa ang mga ipinadalang information ni Maris tungkol sa investor na 'yon.

Wala pa akong alam na detalye tungkol sa kaniya bukod sa magaling ito pagdating sa business. Nabanggit din ni Maris na sa finance ang kompanya nito.

Having him as an investor is a good start.

Sana lang maging maayos ang takbo ng meeting sa susunod na araw. "Hey, earth to Lauren." Napakurap ako ng ilang beses at tumingin sa boss ko. He's waving his hands in front of my face. "You seem preoccupied."

Tipid akong ngumiti, "Sorry boss, pagod lang siguro." Pinalibot ko ang tingin sa lugar. Tahimik lang ang mga naririto habang sumisimsim minsan sa mga inumin nila.

"Are you sure? You can tell me if there's something bothering your mind."

Umiling ako. "No need, boss, ayos lang talaga ako. Thank you pa rin. How about you? Akala ko may business meeting ka?"

"Mamayang dinner pa." aniya. "Magco-commute ka pa ba? I can just drive you papunta sa inyo." He offered. Pinanliitan ko siya ng mata. "What?" Depensang tanong niya.

"You're taking the situation for granted again." Nakasimangot kong saad.

"Tss! You think harshly of me, Lauren. I'm just offering you a ride."

"Talaga lang ha?" Hindi naniniwalang aniya ko.

"Fine, a little. Gusto ko lang makita ang ate mo." Ngayon ay nakahalukipkip na ito sa kinauupuan.

Sabi ko na e!

"Hindi ko naman lalapitan, sa malayo lang." Nagpakita pa ito ng maamong mukha. Kapag naman oras ng trabaho parang ibang Keanu Maverick Vanidestine ang kaharap ko.

"That face doesn't suit you boss, you look gross." Umarte pa akong parang nasusuka kaya sinamaan ako nito ng tingin. "Fine, basta ha? Sinasabi ko talaga sa'yo." May pagbabanta kong sabi.

Agad na sinupil ng ngiti ang labi nito at sumuntok pa sa hangin.

Tsk! Love at first sight pa, haba ng hair ng ate ko.

Naalala ko na hindi ko binanggit sa kanila na ngayon ang uwi ko. Ang alam nila ay sa susunod pang buwan ang flight ko pauwi.

Sigurado masosorpresa ang nga 'yon.

Bumaba ako ng sasakyan saka umikot patungo sa compartment. Agad namang sumunod ang boss ko at ito pa ang nagbuhat ng maleta na na dala ko. "Salamat." Napunta ang tingin ko sa gate nang bumukas ito at iniluwa no'n ang ate ko. Napunta ang tingin nito sa amimg gawi at agad na namilog ang mata.

"Mala!" Napangiwi ako sa pagsigaw niya, pati tuloy ang ibang tao sa paligid ay napatingin din. Mabilis nitong tinakbo ang natitirang distansya namin at yumakap sa akin ng mahigpit. "Bakit hindi mo sinabi na uuwi ka pala? Sana ay nasundo ka namin." Aniya ng maghiwalay kami ng yakap.

Letters To My Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon