Bagahe

15 0 0
                                    

⁰²²⁷²⁴
Medyo mabigat ang gabi. Siguro dahil sa mga bagahe na hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin. Alam kong lumisan na ako sa dati kong tinitigilan noon, pero kasabay ng pag alis ko sa lugar na iyon, ay ang pag dami ng mga dalahin ko. Hind ko rin alam kung bakit hindi ko maiwanan ang ilang mga gamit na hindi ko na kinakailangan, siguro dahil naging mahalaga na ang mga iyon sa pag lipas ng panahon? Sabi ng kaibigan ko, iwanan ko na lamang at ibaon sa limot; pero hindi ko alam kung paano at saan.

Matagal na rin noong huli akong nagbaba at nagbawas ng mga gamit. Noong una, akala ko ay ayos na, ngunit noong tumagal, napagtanto ko na kahit na anong bawas ko rito— nakaka ngalay pa rin kung pipiliin kong pang hawakan ang lahat ng ito imbis na bitawan na lamang. Maraming nagsasabi na hayaan kong tumulong ang iba na bitbitin ang ilan sa aking mga dala; ngunit sinasagot ko lamang sila ng 'Kaya ko pa.' Hindi dahil malakas ako; pero dahil ayokong ipabuhat sa iba ang mga bagahe na hindi naman sakanila. Siguro, sa susunod ay pag aaralan ko na lang ang magpahinga; nang sa gayon ay hindi na bumigat ang bawat dinadala.

Unspoken words in proses.Where stories live. Discover now