Lisan

7 1 0
                                    

⁰⁴⁰⁴²⁴
Hindi ko naman ginusto na putulin ang koneksyon ko sa iyo, sadyang nasasaktan lang ako kapag nakikita ko pa rin ang pangalan mo.

'Di rin naman ako sigurado kung bakit hanggang ngayon, nararamdaman ko pa rin ang ganito. Iba pa rin ang epekto noong nalaman kong wala kang sinabi noong lumayo ako sa'yo. Inaasahan ko kasi na lalapitan mo ako upang kausapin ako tungkol sa kung ano ang tayo; pero bakit ganoon? Ilang buwan na ang lumipas, pero wari hindi mo man naisip na tanongin ako. Dahil ba simula't sapul, wala ka naman talagang nararamdaman sa akin? Siguro ako nga lang ang umaasa sa mga pahiwatig mong wala naman talagang ibig sabihin? Kasalanan ko rin naman, kaya nga heto ako; pinili na lang lumisan at pillin muna ang sarili ko.

Oo nga pala, nasabi ko na 'to noon pa; pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin magawang piliin ang sarili ko. Hanggang ngayon kasi, gusto ko pa ring mahalin mo ako. Nagsasawa na rin ang mga kaibigan ko sa pa ulit-ulit kong pag bigkas ng salitang, 'miss ko na siya'. Pero wala rin naman silang magawa, dahil alam nilang naging masaya ako sa piling mo noon, kaya hindi pa rin kita kayang kalimutan sa ngayon. Sinusubukan ko naman talaga; sadyang mahirap lang diktahan ang puso na ang tanging alam ay tumibok nang tuloy-tuloy. Hindi naman ako takot aminin na ikaw pa rin- na mahirap pa rin.

Sa ngayon, isa lang ang hiling ko; sana sa muling pag bukas ng isip ko, ay ang siyang pag hinto ng tibok ng puso. Nang sa gayon, ma-kumbinsi ko ang sarili na tuluyan kang bitawan.

Unspoken words in proses.Where stories live. Discover now