Sukli

13 0 0
                                    

⁰³⁰⁶²⁴
"Tainga at balikat ka ng lahat-
pero sino ang nandiyan upang
saluhin ang luha kapag ikaw na
ang tumatangis at nalulunod sa baha?"

Isa lang naman ang kakampi mo sa mundo; iyon ang sarili mo.

Noong hindi ko pa napagta-tanto ang mga bagay na ito, inuuna ko muna ang kapakanan ng iba. Ibinibigay ang lahat- pati ang mga bulaklak na tanim sa hardin na pinilit kong buuin ng ilang mga taon. Hindi alintana kung may sukli o wala; ang mahalaga, alam kong masaya sila. Ngunit habang tumatagal ay nakakapagod, hindi ba? Lalo na kung puro bayad ka ng malalaking sentimo- at wala nang isinusukli sa iyo. Kaya napag tanto ko ngayon, na sa susunod pala ay dapat sapat na barya lamang ang ibigay ko; nang sa gayon ay hindi ko na kailangang maubusan- at mawalan kahit na wala nang sukli ang dumampi sa aking mga palad.

Unspoken words in proses.Where stories live. Discover now