Sandali, pahinga.

8 1 0
                                    

⁰³¹⁷²⁴
May mga panahon na gusto kong maniwala na makulay ang kinabukasan na naghihintay sa akin. Gusto kong maniwala na kahit papaano, sa gitna ng kalungkutan at bigat ng pasanin ay may kaakibat itong kaginhawaan sa dulo ng tulay na mahigit buong buhay ko nang tinatahak.

Ngunit habang tumatagal ay nauubusan na ako ng rason para umasa sa kaka unting pangako ng kinabukasan. Nakakatakot nga naman isipin na sa kabila ng lahat ng sakripisyo ay kahirapan lang din naman ang kahahantungan mo. Ano nga bang magagawa ko? Isa lang akong hamak na musmos na pilit pa ring inaabot ang rurok ng hangganan ng sakit at hirap kahit na bato ay pasan-pasan. Hindi mo rin naman ako masisisi kung bakit sa tingin ko ay pa ulit ulit na lamang ang nangyayari.

Sabi ng iba, marami naman daw talaga ang dahilan kung bakit kailangan nating lumaban; pero marami rin namang dahilan para sukuan ang mga ito. Nakakatakot na baka matahak ko ang maling daan; kaya siguro sa ngayon, hihinto't hahayaan ko muna ang sarili na pansamantalang isuko ang laban.

Unspoken words in proses.Where stories live. Discover now