Chapter 7

606 15 33
                                    

*Leonora Castro's POV*

Chapter 7- The book

Kumatok ako sa pinto ni Padre Pelaez, at kagad nya naman itong binuksan.

Padre Pelaez: "Oh? Ikaw pala, tuloy ka." Ngumiti sya.

Tumango ako at pumasok. As usual pinaupo nya ako at hinandahan ng kape. "Nandito po ako para kunin yung mga gamit na nakalimutan ko."

Padre Pelaez: "Ganoon ba,"

"Maitanong ko nga, saan ka ba nakatira?"

"Ikaw ba'y may tinutuluyan. Nagulat lang kasi ako nung sabihin ng mga tauhan ko na umalis kana daw."

Lagot na! Kailangan kong magsinungaling. "Ah, pinatuloy po ako ng isang babae kagabi, buti nga po inalagaan nya ako."

Kapag sinabi kong lalaki ang nagpatuloy sa'kin malamang ay iisipin nyang...

"Muli ka bang babalik doon? Mamayang gabi?"

Sinubo ko ang suman at tumingin sakanya. "Hindi po." Sagot ko, kahit puno pa ang bibig.

"Edi kung ganon dito kana muna." He smiled.

His he really that kind to let me sleep in his house?

"Bait nyo po," Sabay subo ng suman.

"Mahilig karin pala nyan, alam mo may kilala din akong mahilig kumain nyan."

"Ah talaga po, sino?"

"Si Padre Burgos."

Pagkasabi nya ng Padre Burgos muntik ko ng mailuha ang kinakain ko. Nabulunan pako. Kagad kong dinampot ang tubig na nasa lalagyan na kulay gold. Kagad ko itong ininom.

Wow ang yaman naman nya.

Padre Pelaez: "binibini! Hindi tubig yan! Holy water yan!" He worriedly said.

"HAH!?"

"Hindi, sige, okay lang naman tubig parin naman yun, atleast nabasbasan ka ni God." Matawa tawa nya pang sagot.

"Nako Ikaw ha! Father ah! Pinagtritripan nyo ko." I said in a low tone but more like a teased.

So, kilala nya pala si Padre Burgos, this is my chance! Para makilala sya!

"Uhm, gusto mo bang sumama sa'kin. Kisa naman mag-isa ka dito, lalo pa't wala ang mga tauhan ko."

"Sige naman po!"

"May kukunin lang po ako saglit bago tayo umalis."

Tumango sya.

pumunta ako papaitaas at dinampot ko ang librong El Filibusterismo na nasa ilalim ng higaan nya. Buti naman di nya nakita.

Inilagay ko ito sa loob ng bag ko na gawa sa manipis na tela na kulay kayumanggi.

Bumaba akong muli.

Bakas ang tuwa sa aking mga mata, eto na ang pagkakataon para makilala ang tatlong pari.

***

gomBURzaWhere stories live. Discover now