Chapter 25

262 12 5
                                    

*Leonora Castro's POV*

Chapter 25- Return

"Lalaki din ako...." Sambit ni Padre Zamora. Tumawa ako at umiling, "Malamang, hindi naman kayo babae!" Biro ko.

Tumahimik s'ya ng mga ilang minuto at bigla tumingin sa'kin. Papalapit nang papalapit ang kanyang mukha sa'king mukha bawat segundo... Ang puso ko'y tumitigil, at di malaman ba'y kung bumibilis. 

Pinikit ko naman ang mga mata ko dahil ang akala ko'y... Kaya lang narinig ko s'yang tumawa, kaya binuksan ko ang aking mata at nakita s'yang nakangiti lamang, pero malapit parin ang kanyang mukha.

Nakakahiya! Asumera ka talaga kahit kailan Leo!

For some reason he pats my head and chuckles, "Binibini, marahil ako'y masaya kapag nakikita kang masaya, kaya naman ipapasyal kita mamaya. Mamayang pag-uwi natin." Tuwang-tuwa s'ya noong sinabi nya iyon. Ang aking mata nama'y nanlaki sa saya.

Sa sobrang saya ko ay, "Talaga?!" Nayakap ko s'ya, ni hindi man lang iniisip ang ginagawa. Noong marealize ko ang aking ginawa ay kagad akong bumitaw sa pagkakahakap ko sakanya at nanahimik.

"Uhm... Salamat," Sinabi ko habang umiiwas nang tingin. He suddenly touch my chin and move my head towards him. Ngumiti s'ya at gayon nama'y akong ngumiti.

"Ang babaeng spesyal ay nararapat na tratuhin nang mabuti." Binulong nya lang sa'kin dahil magsimula nang tumunog ang kampana kaya tumayo na s'ya at ako.

"At ang nag-iisang mabuting ginoo ay dapat pakaingatan." Huli kong sinabi habang kami'y naglalakad. "Maayong hapon, para sa spesyal na binibini." Balik nya.

Huminto ako kung saan nagsusulat si Padre Burgos at kung saan nakita ko silang dalawa ni Delfina. Lumingon si Padre Zamora at tinanong ako, "Tara?"

"Mauna kana... Meron pa kasi akong kailangan puntahan..." Saad ko. Tumango sya't nakuha pa akong biruhin, "Gayon ba? Baka naman mamboboso ka." Biro nya.

Sumimangot ako. "Biro lang." Muli s'yang tumingin sakanyang direksyon at nagpatuloy sa paglalakad habang ako'y naiwan sa likuran.

Napakabuting ginoo... Kaya lang babaero...

Hay nako.

gomBURzaWhere stories live. Discover now