Liham

197 14 7
                                    

Nakasulat dito ang pananaw ni Padre Burgos at pamamaalam nya kay Leonora.



Dear Leonora- From- Jose Burgos

Aking mahal na Leonora, ako'y nagpapasalama't ika'y aking nakilala. Bawat araw ay ngiti ang iyong ipinipinta sa mga mukha na'min. Ang iyong pagdating ay tila isang himala, binago mo ang lahat at kasama narin dito ang aking buhay.

Yun palang mga ngiti ay may kaakibat na kapalit. Kapalit na luha na tutulo sa bawat gabing ika'y aking maalala. Ang tadhana ba ang nagpasya?

Noong una kitang makita ay ang akala ko'y isang binibini lamang na pawak hawak lamang at aabusuhin din ng mga Español. Isang beses lamang... Itong taon na 'to, ngunit habang buhay kong bibitbitin. Ang iyong pag-alis ay tila bulong lamang na nilipad ng hangin o kaya naman ay nagniningning na pulseras na naputol, ngunit... Isang durog na hindi na mabubuo at isang naglaho na hindi na kailan ma'y babalik.

Sa bawat oras, minuto, segundo, ang mga mata ko'y pagod na, ngunit hindi pagod na umasang makita kang muli. Ang iyong matamis na ngiti ang nagbibigay kulay sa puti at itim kong mundo, na s'yang sana'y hindi kukupas.

Wala kang katulad, sabihin man nilang kamukhang-kamukha mo ang binibining iyon, bagkus isa lang ang aking minahal, at ikaw iyon. Walang kung sino o materyal na bagay na s'yang makakatumbas ng iyong halaga. Dahil ang iyong halaga'y kung ano ka bilang kung naging sino ka. S'ya po'y si Leonora, ang binibing aking unang minahal.

Doon ko napatunayan na kahit pari pala'y makapag-mamahal, at iyong pinaramdam na ako'y isang tao parin na s'yang iibig at patuloy na raragos kahit sa matinding agupasa.

Pari... Ang paring binago ng binibini. Hindi binibini lamang, ngunit ang kauna-unahang babaeng nagpatibok ng aking puso. Ang nagpalambot sa matagal ng batong puso.

Maaari ka bang manatili?

Ang akala ko'y kapag nagmahal ka'y purong kasiyahan lamang ang iyong madadama, ngunit ito pala'y may kaakibat na sakit. Saan banda? Sa loob ko na tumitibok nang mabilis tuwing sya'y nakikita. Ang tibok na sana'y hindi napalitan ng mga luha.

Luhang may dahilan kung bakit patuloy na dumadalo sa 'king mga pisngi. Siguro'y napakasakit na hindi na matago sa'king mukha.

Nagising nalamang ako na wala kana...

At yun na pala ang araw na huli kitang makikita... Ang akala ko'y pang habang buhay, yun pala'y pang sandalihan. Mas gugustuhin kong mapag-isa, kisa palitan ka sa pusong minsan ika'y minahal.

Mahal kong Leonora, sana... Sa bawat henerasyon, ngayon o sa susunod na herenasyon, nais kong masilayan ang iyong mga matamis na ngiti na patuloy na makapagpapangiti sa makakasilay. Ang ngiting hahanap-hanapin nila. Sana patuloy kang ngumiti at maging masaya. Masakit dahil kailan ma'y hindi na muli pa, pero sana kahit wala na ako gano'n ka parin.

Mga mata mo na sana'y totoo at nagmamahal.

Masaya ako, at sana makilala mo na ang para sa'yo, na para sa'yo talaga.

Muli'y ako'y nagpapasalamat, mimamahal kong Leonora. Mahal na mahal kita kumpara sa kahit na anong bagay dito sa mundo.

Sana sa susunod na habang buhay.

To: Leonora Castro
Paalam...

gomBURzaWhere stories live. Discover now