Chapter 18

273 9 16
                                    

*Padre Zamora's POV*

Chapter 18- Left out

Nagulat ako noong bigla s'yang lumitaw at hinakap ako, hindi ko inaasahang pupunta s'ya sa harapan ko na umiiyak, dahil kung madalas man sya'y umiyak ay hindi nya gustong ipakita, dahil lagi nyang sinasabi na kaya nya at matapang s'ya.

Galit ang nangibabaw sa'kin nung mga sandaling iyon na parang isinusumbong nya sa'kin ang lahat ng kanyang sama ng loob at mga problema.

Hindi ko pinansin si Padre Burgos at mas inunang tinanong si Leonora kahit pa galit na galit na'ko sakanya, "Leonora, anong nangyari?" Bulong ko sakanya, habang ang aking mga  braso ay hawak hawak s'ya. Halata sa'king boses ang konsensya at pag-aalala.

Hindi s'ya sumagot at patuloy na umiyak sa'king bisig.  Samantala nama'y nanatiling nakatayo si Padre Burgos sa pababa ng hagdan.

Walang pagaatubling nilapitan sya ni Delfina (ang babae sa painting) at lumapit dito. "Ayos ka lang ba?" Noong marinig iyon ni Leonora ay umalis s'ya sa pagkakahakap sa'kin at lumingon.

Tumingin din sakanya si Padre Burgos at muling tumingin kay Delfina at bumugtong hininga, "Ayos lang ako, binibini, parang masakit lang ang mata ko." Malakas ang pagkakasabi nya nito na parang gustong iparinig kay Leonora.

Tumawa naman si Delfina na halatang pilit at hindi totoo, "Nako Padre, buti pa halika ka." Sabay hawak sa braso ni Padre Burgos.

"Pasensya na, pero masakit kasi ang ulo ko, uhmm, magpapahinga muna ako," Ngumiti s'ya, ngunit yung ngiting yon ay sadyang hindi totoo, hindi rin peke. Totoong nararamdaman ang ipinapakita ng kanyang mata, pero yung ngiti nya ay mapanlinlang.

Umakyat s'yang pabalik sa itaas.

Tumingin sa'kin si Leonora habang pinupunasan nya ang kanyang mga luha, "Napakaarte naman ng babaeng 'yan." Bulong ni Delfina sa sarili.

"Oh ano? Masaya bang pinag-aagawan ng dalawang lalaki?" Nilagpasan nya kaming dalawa at pumunta sa labas. Mukhang aalis na s'ya, sawakas. Napakalaki nang gulong kanyang ginawa, hindi ako makapaniwala sa ugali nya, dahil hindi naman s'ya dating ganyan.

Naaawa ako kay Leonora... Bakit ba sa lahat ay s'ya pa kung pwede namang ako nalang.

Nadudurog ang aking puso makita s'yang umiiyak at nasasaktan.

Dumapo ang palad ko sakanyang mga pisngi at pinunasan ang kanyang mga luha, "Wag mo s'yang pansinin, mas nakakahiya s'ya bagkus nakakaya nyang lahitin ang kapwa nya babae." Ngumiti ako.

"Ayieee tatawa na yan!" Sinusubukan ko s'yang patuwanin, ngunit hindi s'ya tumawa, baka ngang totoong seryoso ang kanyang pinag-dadaanan.

"Wag mo nga s'yang guluhin.... Hayaan mo muna s'yang mapag-isa." Mahinhin na sabi ni Padre Burgos na nasa taas.

I sigh in frustration, "Oo na! Alam mo pa sa'kin!" Galit kong sagot.

gomBURzaWhere stories live. Discover now