Chapter 22

231 11 8
                                    

*Leonora Castro's POV*

Chapter 22- The Younger brother

Papalabas ako ng bahay nung may maramdaman akong humahali-haligid sa'kin, kaya naman binilisan ko ang aking paglalakad papunta ng kumbensyon.

Noong papalapit na'ko sa kumbensyon ay napansin kong nasa labas si Padre Burgos at mukhang may kinakausap, hindi ko pa mamu-kahan kung sino ang kanyang kausap, ngunit papalapit ako noong makita si Delfina na nasa tabi ni Padre Burgos at mukhang in-neenjoy ang kanilang pinag-uusapan.

Walang pag-aalinlangan akong naglakad papunta ng kumbensyon kahit alam ko pang maraming sasakyan ang dumadaan. Binilisan ko pa nga ang lakad ko ngunit merong humila sa'kin papabalik.

"Binibini, ba't ba tumatawid ka nang hindi man lang tinitignan ang dinadaanan?" Tanong nya. Kagad ko s'yang namukahan sa kanyang suot na kulay itim na suit, at ang kanyang salamin sa mata.

Sabi ko na nga bang tama ang aking hinala, talagang susundan nya 'ko. Eh mula pa kanina'y rinig ko ang kanyang mga yapak.

"Bakit po ba kailangan nyo pa 'kong pagsabihan at hindi ko naman kayo kilala para mag-alala sa'kin, hindi ho ba, ginoo?" Saad ko sakanya, habang ako'y mukhang aligagang tumawid ng kalsada.

"Ngunit hindi naman masamang iligtas ka." Sagot nya. I frown again as I remove my arm to his hand. "Hindi naman po kailangan. Tsaka kaya ko naman na po."

Inalis nya ang kanyang sombrero at inilagay ito sa'king ulo. Gulat na gulat naman akong tumingin sakanya. "Isa lang ang buhay, bakit mo inaaksayang, binibini." Gayon sya'y napaka hinhin din kung magsalita, gaya na lamang ni Padre Burgos. Napapaghalataan ko nga ring magkamukha sila.

"Matanong ko nga po, bakit po ba ang bait nyo sa'kin?" Tanong ko. Hindi nya 'ko kagad sinagot pero maya-maya lang sya'y tumawa and he pat my head, "Tumawid kana... San ka ba pupunta?"

Itinuro ko si Padre Burgos na mukhang abala sa pakikipag-usap kay Delfina.

"Ang kapatid ko ba?" Nagulat ako sakanyang tanong.

gomBURzaWhere stories live. Discover now