Last chapter

430 22 50
                                    

*Padre Jose Burgos POV*

Last chapter

Sakanyang pagbaba ay aking s'yang inalalayan. Hindi ko mapigilang matuwa, dahil ito na, sawakas masasabi ko na rin.

Noong sya'y makababa ay kagad nya naman akong tinanong, "Saan tayo pupunta?" Tanong nya. Bakas parin ang lungkot sakanyang mga mata, at siguro dahil narin umiyak s'ya kanina kaya namumula parin ang kanyang mga mata.

Hinawakan ko ang kanyang mga kamay na ikinagulat naman nya. Sa paglalakad namin ay nakakagulat na hindi s'ya nagsasalita, patuloy at sumasama lang s'ya sa'kin.

Hangang sa makapunta kami sa isang tulay kung saan walang tao. Dahan-dahan ko s'yang hinila papunta sa tulay. Binitawan ko ang kanyang mga kamay at hinayaan s'yang maglakad papunta sa tulay, "Napaka ganda." Bulong nito.

Ngumiti ako't sinundan s'ya. Nang kami'y makalapit sa tulay ay hinawakan nya ang hawakan nito at sumilip sa napakagandang daloy ng tubig at ang mga bitwin sa langit. Napaka ganda...

Ng mga bitwin, kagaya nyang nagniningning. Masaya ako't masaya s'ya.

Ako nama'y naiwan sakanyang likuran. Habang sya'y masayang pinagmamasdan ang tanawin ay aking binalot ang aking mga braso sakanyang bewang at yinakap s'ya nang mahigpit na mahigpit habang ang aking ulo'y naka sandal sakanyang balikat.

Nais nyang gumalaw kaya lang ako'y bumulong sakanya, "Ngayon lang... Hayaan mo sana ako." Saad ko habang mahigpit s'yang hawak. "May nais akong sabihin..."

"Mauunawaan mo ba ako? Layuhan o iwasan mo na 'ko, pero ang totoo ang aking puso'y nasasaktan kapag ginagawa mo iyon... Hindi ko na kayang magtiis pa," Aking saad, ngunit walang sagot akong narinig.

Nagpatuloy ako sa pagsasalita, "Mahirap, masakit-"

"Kung gayon sino yung babaeng iyong tinutukoy na iyong gusto?" Bigla nyang tinanong. Sa kanyang pagtatanong ay hinawakan ko ang kanyang kamay nang mahigpit na parang ayaw na itong bitawan.

"Gusto kita," Tumahimik kaming pareho matapos kong sabihin 'yun. "Handa kung gawin ang lahat para sa'yo. Ang totoo nasasaktan na'ko, araw-araw nalang bang hayaan sila na hawakan, pormahan, pagmasdan ka?" Saad ko.

"Kasalanan ito, pero kasalanan din bang umibig kahit sadyang ako'y tao man lang din?" Bulong ko.

"Gusto din kita..." Kanyang sinabi na gustong-gusto kong ulitin nang walang katapusan. Isang salita na tanging makakapag-pasaya sa'king tunay, ay s'yang salita na nang-gagaling sa aking mahal.

"Kaya lang..." Ako'y nag-alinlangan noong lagyan nya ito nang kasunod. "Maniniwala ka ba?"

Tumango ako.

"Ang totoo, ako'y hindi taga-rito... Sa katunayan ako'y isang babae na nagmula pa sa kasalukuyan." Pumapatak na ang kanyang mga luha habang sinasabi ang mga salitang ito. gustong-gusto ko s'yang yakapin, at hayaan s'yang umiyak hangga't gusto nya, bagkus ilabas nya na ang lahat ng kanyang inanakit.

Isandal mo lang ang iyong ulo sa'kin, ako'y makikinig. Hindi sapa't ang aking mga salita para ika'y maging maayos, pero pangako, kailan, saan, bukas, ngayon, mananatili ako sa tabi mo, na kahit kela'y hindi kita iiwang luhaan, malungkot, at walang sasandalan.

Mamamatay akong kasama ka...

"Kaya lang kahit anong gawin ko, mawawalay at mawawalay parin ako sa'yo." Manginig ang boses ni'to.

"Kung gayon sasama ako." Sinabi ko na walang halong biro at malakas pa na kahit ano'y maririnig.

"Sasama ako!" Malakas kong sabi.

"Gusto ko lang malaman mo na kahit saan pa yan, kahit sa ibang lugar, bansa, planeta, sasama't-sasama parin ako sa'yo. Gusto ko lang malaman mo na hinding-hindi ko bibitawan ang mga kamay mo. Mabubuhay ka kasama ako, at mamamatay ka na kasama ako. Sa lupa man o sa langit, basta kasama kita ako'y kumpleto. Dahil kahit kailan ay hindi mabubuhay ang sanggol kung wala ang nagsilang dito, at hindi ako mabubuhay kung wala ang nagpapanatili sa makulay kong buhay." Maluha-luha kong sabi.

Gayo'y sya'y humawak din nang mahigpit, "Habang buhay, walang iwanan." Sabay naming sinabi at ipinikit ang aming mga mata, walang takot na nadadama kahit pa alam naming delikado ang buwan kapag ito'y pula.

Dinamdam namin ang bawat segundo na kami'y magkasama, mga oras na sana habang buhay kong maitatabi... Na sana pwedeng ulit-ulitin...

Tumulo ang kanyang luha at gayundin ang akin. Bigla nalang kung ano'y nagdilim ang paligid at pareho kaming nahilo.

***

*Leonora Castro's POV*

"Anak, gumising kana... Malungkot na si mama..." Nanginginig na boses ng aking ina na tanging naririnig ko sa paligid.

Bigla nalang bumukas ang aking mga mata, at nakita na ako'y nasa hospital. Everything, everyone were same.

Tumingin ako sa'king nanay na kanina pa umiiyak. Noong ako'y kanyang nakita na bukas ang mata ay humagulgol ito sa iyak at pati na rin ang aking kapatid na tuwang-tuwa.

Nasan na s'ya? Tangi, at unang tanong na pumasok sa'king isip noong mga sandaling iyon.

"Ano pong nangyari?" Tanong ko.

"Anak! Gising ka na rin, matapos ang 5 taon mong pagkaka comatose ay sawakas ay ika'y nagising na!" Umiiyak at pasigaw na sabi ng aking ina.

Noong mga sandaling iyon ay ako'y hindi makapaniwala at kagad umupo, "Nasan na po s'ya?!" Kagad kong tanong.

"Sinong s'ya?" Tanong nila.

"Yun pong lalaking lalaking kasama kong naaksidente." Aligaga kong sabi at 'di mapakali.

"S'ya?"

"Matagal na s'yang patay, 5 taon na ang nakakaraan." Sagot nila. Natahimik ako, ang mga luha ko'y pumatak sa'king mga kamay hindi alam kung pano, ano ang gagawin ko. Agad akong tumayo at tumakbo saan mang sulok ng mga silid baka sakaling sila'y nagbibiro.

Ngunit kada kwartong aking pinapasukan ay para bang gusto ko nalang maniwala na wala na s'ya. Bawat takbang ramdam kong pumapatak ang aking luha.

Ako'y umupo sa sahig at humagulgol nang malakas.

Asan na? Asan kana? Nasan na yung pangako mo?! Sabi mo sabay tayong mamamatay?! Bakit hindi mo pa ako sinama?!

Sigaw at iyak ang tanging maririnig sa buong hospital...

***

*2 years later*

*At his coffin*

"Siguro nga, ikaw na, pero mali ang oras... Siguro nga ang nakaraan ay hindi talaga mababago..."

"..." Pumatak ang aking mga luha sakanyang libingan.

***

______________________________________

Maraming salamat po sa mga nagbasa at sumuporta sa aking fanfic na ginawa, I'm so thankful na nakapunta tayo sa ganito kalayo, kahit ako naiiyak habang sinusulat ito, pero ano bang magagawa ko isa lang din naman akong author. Alam kong masakit pero we have to accept no, kasi hindi talaga mababago ang nakaraan na and a respect na rin sa mga tao na namayapa na.

Thank you again.

Gagawa rin po ako ng fanfic ni Goyo/ Gregorio del Pilar, pero still not sure kung kelan, pero sana subay-bayan nyo parin. 🤍

gomBURzaWhere stories live. Discover now