Chapter 24

293 12 14
                                    

*Fidel's POV*

Chapter 24- Kambal karibal

"Kuya, napansin kong misyado ata kayong malapit sa isa't isa." Saad ko at kagad naman s'yang tumingin at muntik pang mailuha ang kanyang kinakain, "Sinong s'ya?" Mahang-mahangan nyang sagot.

Tumawa naman ako at tumingin sa'king kinakain, "Gayun nama'y kami'y magkasundo din," Pagsisinungali kong sinabi kahit pa alam kong pagmumulan ito ng aming away.

Tumingin ako kay Leonora na sarap na sarap kung kumain ng suman, "Hindi ba?" Tanong ko sakanya, ngunit bigla nalang s'yang sumagot nang malakas, "Huh? Walang tayo!" Nagulat ako at natawa sakanyang isinagot, "Sinabi ko ba?"

Palihim ko s'yang pinagmamasdan habang naka tingin sa'king kapatid na nakasimangot. "Tila yata'y napasobra ang pagkain nya ng suman!" Asar ng mga iba pang-nandun. Tumawa din ako sa kanilang pang-aasar sakanya.

Ngunit hindi ito nagustuhan ng aking kapatid kaya naman sinabi nyang, "Tama na... Tayo'y nasa hapagkainan." Strikto nyang pagkakasabi. I shook my head and continue to eat until Leonora finally said something, "Ginoo, malabo ba ang inyong mata?" Tanong nya.

I shook my head. "Kung gayon, bakit nakasuot ka ng salamin?" She added

"Kisa naman ginagawang malabo ang malinaw, edi mas magandang gawing malinaw ang malinaw na. Para naman walang umaasa." Hugot ko.

Natawa naman s'ya at tumingin sa'kin, "Grabe ang ganda nyong kausap, sa sobrang ganda'y parang ayaw ko nalang magsalita," She again said with a sarcastic tone.

"Ganon talaga pag gwapo na talentado pa." Biro ko na napag-painis pa lalo sakanya.

Hindi na s'ya muli pang sumagot kaya tumahimik nalang din ako. Masasabing ang binibining ito'y napaka saya kung kasama, pero suplada kung minsan.

*After Lunch*

*At the library*

*Leonora Castro's POV*

Kumatok ako sa pinto ni Padre Burgos kung saan sya'y nagsusulat, ngunit ni yapak ay wala akong narinig o kaya nama'y hindi ako pinagbuksan ng pinto. Muli akong kumatok, pero wala talaga.

Papaalis na'ko ngunit napa-isip ako kung anong ginawa nya't hindi s'ya sinasagot kaya naman itinutok ko ang aking tenga sa pinto. Ako'y nagulat noong marinig ako boses ni Delfina, "Ang hilig nyo ho palang magsulat, hindi nakaka-gulat na napakarami ng mga nagkakagusto sa'yo." Rinig kong sabi ni Delfina.

"Binibini, ako ba'y iyong binobola?" Tanong naman ni Padre Burgos. Ganon kung sya'y makipag usap sa'kin, kala ko pa naman pala biro at mahinhin sya kapag nakikipag-usap lang sa'kin, sa iba din pala....

"Masama pong magsinungaling. Kayo'y napaka kisig na lalaki." Saad muli ni Delfina. Noong sumilip ako sa butas ng pinto ay nakita ko si Delfina na nakaupo sa harap ng mesa ni Padre Burgos habang nakikipag-biruhan dito.

"Binibini, hindi rin naman ako nagsinungaling, ika'y napaka gandang binibini din." Hindi ko na pinatapos pa ang kanyang sinasabi, dahil muntikan ko nang mabuksan ang pinto dahil nawala ako sa balanse.

Ngunit bago pa nila ako makita ay hinila ako ni Padre Zamora papalayo sa pinto bago ito nabuksan at pareho kaming nagtago sa isang madilim na sulok.

"Shhh." Pagbabawal nya. "Kanina pa kayo dun?" Tanong ko, ngunit hindi s'ya sumagot.

Naaamoy ko ang mabagsik na amoy ng alak sakanyang bibig, pero nagawa nya pa talaga akong iligtas. "Padre?"

Tumingin s'ya sa'kin at sinabing, "Namboboso kaba?" Pabiro nyang sinabi. "Huh?! Ako mang-boboso, hindi kaya-" tinakpan nya kagad ang aking bibig.

"Napaka-kulit mo talaga, ano?" Saad n'ya.

"Andami tuloy nakatingin sa'yo, binibini." Dagdag nya. "Wala namang tao eh." Sagot ko, tumawa sya nang mahina at tumingin muli sa'kin.

"Isa ako dun." Huli nyang sinabi.

gomBURzaWhere stories live. Discover now