Chapter 9

390 14 15
                                    

*Leonora Castro's POV*

Chapter 9- Mr. Kupido

Papalakad kaming dalawa ni Padre Zamora noon nung may narinig kaming sumusunod samin at bumubulong. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila pero ayon sa naririnig ko mga mayayabang na bata ang sumusunod sa'min.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at 'di pinansin ang kanilang pinag-uusapan, ngunit binilisan nila ang kanilang lakad at tumabi pa sa'kin yung isa.

"Magandang araw binibini!" Ngumiti s'ya sa'kin. Gaya ng ibang babae ay hindi ko rin s'ya pinansin.

"Paciano nga pala." He smirk.

Paciano... Hala ito pala yung kapatid ni Jose Rizal, hindi ko pala dapat s'ya sinungitan.

"Ah, ok?" Sinabi ko sakanya.

Hindi ko alam ang sasabihin, nakakahiya naman kung susungitan ko ang kapatid ng isang bayani, hindi ba?

"Sino ka ba, hah?" Nagsalita na si Padre Zamora. Huminto s'ya sa kalagitnahan ng aming paglalakad, at tumingin kay Paciano.

Nanlaki ang mata ko. Tiyak mag-aaway nanaman ang dalawang 'to, malaking gulo nanaman ang mangyayari. Pareho pa naman malaki ang ulo!

Tumingin ako kabilahan 'di alam kung ano ang gagawin. Lalapitan na sa s'ya ni Padre Zamora, ngunit hinarangan ko s'ya, "Tama na, andaming tao oh, hindi ba kayo nahihiya?" Awat ko sakanila.

"Eh eto kasi!" Sagot ni Paciano.

"Aba! Matanda ako sayo ng ilang taon!" Balik naman nito sakanya. Nainis ako kaya nanahimik nalang ako, napansin nilang nanahimik ako at nagpatuloy maglakad, kaya naman ganoon din ang ginawa nila.

Mga ilang sigundo palang ay nagsimula nanamang magsalita si Paciano, "Hindi ba kay ganda nang sikat ng araw ngayon? Kasing ganda mo." Bola nito.

Hindi na 'ko magtataka, kahit walang DNA test ay talagang masasabi ko na kapatid talaga s'ya ni Jose Rizal, eh kung pananalita pa lang ay matinik na.

"Alam mo ba na ang panget ng araw ko ngayon? Kasing panget mo!" Sagot ni Padre Zamora sa sinabi nya sa'kin.

"Aba! Ga-" kagad kong tinakpan ang bunganga nya, "Shhhh, malapit na tayo sa simbahan oh, mamaya kanalang magmura." Sabay tangal ng kamay sakanyang bibig.

"HAH! Buti nga sayo!" Pang-aasar ni Padre Zamora sakanya.

Parang gusto ko nalang din maglaho sa katigasan ng ulo ng mga 'to.

Nakaka-iblood!

Natulala nanaman ako noong tumahimik sila, halatang inaantok pa, mukha pang lutang.

Nakayuko ako at sinusundan ang kanilang yapak, hangang sa makarating kami sa simbahan. Gayundin nakayuko parin ako.

I yawn as I keep walking, hindi ko namamalayan na nasa harap ko na pala si Padre Burgos. Sa pagmamadali ay nabungo ko nanaman s'ya sakto sa kanyang dibdib, kaya namantsahan ko ang kanyang suot suot na damit.

Nang tumingin ako papaitaas ay talaga namang para akong nakakita ng multo, "Pasensya po! Pasensya, ginoo!" Kagad akong humingi nang tawad pero nakatingin lang sya sa'kin at 'di sumasagot.

Hinawakan ko ang parte kung saan ang namantsahan ko at magsimulang punasan ito gamit ang panyong dala-dala ko. Mukha ngang inaantok pa dahil hindi alam kung ano ang gagawin.

"Buti pa ho, hubadin nyo na muna ang inyong damit at nang malinis ko ito." Sinabi ko pa nang malakas, hindi na-re-realize kung ano ang sinabi ko.

Tumawa s'ya, "Ikaw nalang, masipag kanaman eh." Nahiya ako sa sinabi nya at kagad inalis ang kamay ko sakanyang dib-dib.

Pabiro nya lang sinabi pero nahiya ako nang sobra dahil hindi ko iniisip ang mga sinasabi ko.

"Buti pa, pumunta na tayo dun." Sabat ni Padre Zamora, hinawakan nya ang kamay ko at hinila papunta sa harap.

Tumabi naman si Paciano kay Padre Burgos at sinundan kaming dalawa ni Padre Zamora. Ngumingiti naman si Paciano habang naglalakad, halatang may binabalak.

Nakita kong lumuhod si Padre Zamora sa harap ng statue ng Dyos kaya lumuhod din ako upang magdasal.

Yumuko ako at pumikit at magsimulang magdasal. Samantalang s'ya ay binuksan ang isa nyang mata at tumingin sa'kin, ngumiti s'ya at muling yumuko upang magdasal.

Habang nagdadasal ay naririnig ko si Paciano at si Padre Burgos sa likuran.

Paciano: "Hindi ba't ang ganda nya?" He playfully said.

Padre Burgos: "Hindi ka ba nahihiya na ganyan ka kung umasta sa harap ng isang pari?" Sagot nito, seryoso ang kanyang pagkakasabi.

Nanahimik naman kagad si Paciano matapos mapagsabihan.

gomBURzaWhere stories live. Discover now