Chapter 20

325 16 14
                                    

*Leonora Castro's POV*

Chapter 20- Manliligaw

"Talaga bang ayaw mong sumama?" Tanong ni Padre Zamora habang inaayos ang kanyang damit. Tumango ako at umupo sa upuan kung saan naka pwesto ang binata. Dumungaw ako dito, as I lean my head to the wooden window.

"Maaari nyo naman akong iwan, tsaka matanda na naman ako at kaya ko na ang sarili ko..." Saad ko, hindi ko naman ipinagkakaila na may galit parin akong nararamdaman, pero ang hirap magalit sakanya...

Lumapit sa'kin si Padre Burgos, at biglang sinabing, "Tungkol sa kagabi, pasensya kana, balak ko lang kasing kunin yung libro ko, ngunit hindi ko alam na nakatayo kapala dun..." Malakas ang kanyang pagkakasabi kaya naman narinig ito ni Padre Zamora.

"Anong kagabi?" Tumingin s'ya sa'kin at kay Padre Burgos. Namula ako nung muli nyang ipa-alala ang nangyari kagabi at hindi mapigilang mapatingin sa ibang direksyon dahil sa hiya.

"Uhm, wala, wala, tsaka maaari nyo naman hong kalimutan nalang yun... Ahh hindi naman siguro mahirap na kalimutan iyon, hindi ba?" Tumawa ako na may halong nerbyos.

Tumingin sa'kin si Padre Burgos at hinawakan ang kanyang labi gamit ang kanyang daliri na ipinapahiwatig na nagdikit ang aming labi mga sandaling 'yun.

Mas lalo akong namula noong ginawa nya 'yun. Kinilig ako sa tuwa na hangang sa ngayon parin pala'y alam nya na nangyari yun!

"Hahh! Wala akong matandaan!" Kagad kong sagot sakanya. "Ah hindi ba aalis na kayo?!" Kagad akong tumayo at hinila sila papalabas sa ibaba. Hindi sila sumagot at sinundan nalang ako.

Noong mahila ko na sila sa labas ay pumunta ako sa pintuhan at muling tumingin sakanila, "Ah paalam! Mag-iingat kayo!" Huli kong sabi at kagad na isinara ang pinto. Ngumiti ako at hinawakan ang aking labi.

Naalala ko ang mga nangyari kagabi... Napaka lambot ng kanyang labi at....

Sumigaw ako habang nakangiti sa sobrang kilig.

Muli akong umakyat papunta sa taas at hanga ngayo'y bakas parin ang ngiti sa'king mukha, halatang-halata ito sapagkat ang aking pisngi ay namumula sa kilig.

Sa pwesto ko kanina ako'y muling umupo habang ang aking mukha ay nakadungaw rito. Noong makitang papaalis na sila ay nakita kong muli si Paciano at Felipe sa bintana at mukhang masaya at tuwang tuwa, mayroon din silang hawak hawak na rosas.

Mahahalata din ang kanilang buhok na naka-ukit katulad sa buhok ni Jose Rizal.

Natuwa ako noong muli silang makita, ngunit katakatakang kanina pa sila nakadungaw sa aming bintana, kaya naman tinanong ko sila, "Mukha atang may pupuntahan ah?" Sigaw ko sakanila. Hindi ko mapigilang ngumiti sapagkat talaga namang napaka pilyo ng mga batang 'to.

"Maaari ba akong manligaw?" Sigaw nito habang naka ngiti at mukhang pinopormahan ako. Natawa ako sakanyang sinabi, mukha ngang siniseryoso nya ang kanyang tanong. Totoo ngang kapatid nang nag-iisang bayani.

gomBURzaWhere stories live. Discover now