Chapter 15

311 13 16
                                    

*Padre Jose Burgos POV*

Chapter 15- The girl at the painting

Habang sila ay kumakain ay tumayo ako upang libutin ang kanyang bahay, sa paglalakad ko ay napansin ko ang isang babae na nakapinta ang mukha at nakasabit sa pader. Napaisip ako... Sino kaya 'to?

Maganda ang mukha... Hindi nakakapagtakang isasabit nya 'to sakanyang pader, ngunit wala syang konsiderasyon, ano nalang ang iisipin ni Leonora kung nakita nya 'to... Talagang hindi nya inilulugar ang kanyang pagka-babaero.

Tumitig ako sa pinta nang matagal, hindi nga maipagkakaila ang kagandahan nya, pero hindi kasing ganda ng binibining aking iniibig.

Ngumiti ako habang nakatitig sa pinta, "Sino 'to?" Tanong ko nang malakas. Hinahantay ko ang sagot ni Padre Zamora, ngunit hindi s'ya sumagot.

Tumingin ako sakanya na pinagmamasdan ako, "Sino s'ya?" Kalmado kong sabi. "Maganda s'ya, at gayun ang  nasaisip mo, hindi ba?" Mahina kong sabi, ngunit napansin ko ay tahimik s'ya at walang himik ganon din si Leonora.

"Pero..." Huli kong sabi at tumabi sakanila.

"Maganda ba s'ya?" Tanong ni Leonora, mahina ang kanyang boses at pinipigilang tumingin sa'kin.

Bago paman ako makasagot ay tumayo si Padre Zamora at sinabing, "May kukunin lang ako saglit." Kagad itong umalis. Hindi ko mawari kung bakit ganon ang inaasta nya noong mabangit ko ang pinta.

Tumingin ako kay Leonora, as I smile softly, "Binibini, oo maganda s'ya..." Pinutol ko ang sagot ko.

Nanahimik s'ya. "Tumingin ka sa'kin," Malambing at mahinhin ang aking pagkakasabi. Gayon ang kanyang ginawa, ngunit umiiwas parin s'ya nang tingin.

Hinawakan ko ang kanyang intuturo gamit din ang aking intuturo, na ang ibig sabihin ay iginagalang ko s'ya at totoo ang sinabi kong ang isang ginoo ay hindi dapat hinahawakan ang isang binibini kung saan-saan na maaari silang hindi maging komportable.

"Maganda s'ya dahil sya'y s'ya, at ika'y maganda dahil ika'y ikaw."

"Ang ibig kong sabihin ay hindi mo kailangang maging s'ya para mahalin ka at hangaan ka ng maraming tao, bagkus ika'y kamahal-mahal kung sino ka at kung maging ano o sino ka man." Ngumiti ako sakanya at tumingin nang malalim sakanyang mga mata.

"Sana naiintindihan mo'ko." Yun ang huli kong sinabi bago bumalik si Padre Zamora.

Umupo s'yang muli at tumingin nang masama sa'kin, "Hoy ikaw, ano nanaman bang sinabi mo kay Leonora? Baka sinisiraan mo 'ko sakanya." I just giggled when he said that and don't mind him.

Hanggang ngayon kinikilig parin ako sa kanina, ang cute nya talagang mag selos!

Napakagat ako ng labi ko sa kilig at mas lalo pang lumalim ang dimple ko. Tumingin naman s'ya sa'kin at tumawa, "Kayo ho ah!" Pabiro nyang sabi.

Nag sungit-sungitan nanaman ako, "Masama bang ngumiti?" Sinabi ko na parang galit, pero sa totoo naman ay kilig na kilig na.

Ahhhhhhh! Bakit ko ba 'to nararamdaman?!

Nang biglang may kumatok, mabwusit-bwusit pa kung maglakad si Padre Zamora papunta sa pinto upang buksan ito.

Pareho kaming tumingin sa pinto inaabangan kung sino ang kumakatok.

Hangang sa binuksan na nito ang pinto. Nagulat kaming pare-pareho noong ang pumasok ang babaeng nasa painting na kanina'y pinag-uusapan palang namin.

Totoo ngang s'ya dahil kamukhang kamukha noong nasa pinta.

Nanlaki naman ang mga mata ni Padre Zamora at gulat na gulat noong makita s'ya.

gomBURzaWhere stories live. Discover now