Chapter 11

570 22 26
                                    

*Padre Jose Burgos POV*

Chapter 11- Bruise

"Oh, pepe, anjan ka pala!" Sigaw nya. Lumapit sila sa'kin.

Piniligilan ko ang galit ko, hindi ko alam kung bakit, pero kung ano na lamang ang galit na nararamdaman ko.

Ngumiti ako kahit masama ang loob ko.

Ngunit habang papalapit sila sa'kin biglang nadapa si Leonora, ngunit bago ko paman sya lapitan ay nauna nang lumapit si Padre Pelaez.

Tinulungan nya itong tumayo, hindi nako makapagtimpi kaya umalis nalang ako.

Halata sa mukha ko ang galit.

Napahinto ako sa isang sulok. Tumingin ako sa pader nang masama at sinuntok ito. Dahil dito dumugo ang kamay ko, ngunit 'di ko talaga mapigilan ang galit ko.

***

*At home*

Nagsusulat ako ng biglang maalala ang nangyari kanina. Sinubsob ko ang ulo ko sa mesa at pinagpupukpok ko ang kamay ko sa mesa.

"Bakit ba ako nag-aalala sakanya!"

"Sino ba s'ya! Ano ba kami para magalit ako?" Bulong ko sa sarili.

... Sa sobrang galit ko ay naibato ko ang mga papel na nakalapag sa mesa.

Napagdesisyonan kong lumabas upang magpahangin at upang kumalma ako nang kaunti.

Lumabas ako at nagpunta sa malapit na ilog sa bahay ko, at doon ako'y umupo at tumingin sa bitwin.

Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit kapag tumitingin ako sa bitwin sya ang naaalala ko. Maganda, matapang, nagniningning ang pagkababae.

Burgos! Ano ba! Hindi mo dapat iniisip ang mga ganyan, nakakalimutan mo bang isa kang pari. Hindi ka maaaring magmahal na panromantiko.

Bumugtong hininga ako.

"Isa lang naman ho ang hinihiling ko, nawa'y ibigay nyo na."

Teka... Ano nga ba ang gusto ko?

'Di ko napansin na may nakikinig pala sa'kin. Ni 'di ko napansin na may papalapit na pala sa'kin.

Umupo sya sa tabi ko... Pagtingin ko si Leonora pala.

"Oh ba't nandito ka? Ba't gising kapa?"

"Pinapadala kasi ito sainyo ni Padre Pelaez. Tiyak daw nag-aalala kayo sakanya, ngunit 'di nya man lang kayo inalala, kaya pinabibigay nya sainyo tong suman."

Tumawa ako, "Hinding hindi ko tatanggihan yan, lalo pa't suman ang binibigay mo."

Tumawa din sya at inabot sa'kin ang suman.

"Salamat."

"Nalulungkot po ba kayo? O baka naman po meron kayong gusto na hindi nyo makuha-kuha?" Biglaan nya nalang tinanong.

"Meron kasi akong gusto, pero imposible naman abutin."

"Baka naman bitwin ang gusto nyo kaya mahirap abutin!" Pang-aasar nyang sabi.

Natawa akong muli.

Napansin kong may sugat sya sa siko nya. Nag-alala ako noong makita itong dumudugo, siguro nanggaling ang sugat nya nung nadapa sya kanina.

"Hindi ka kasi nag-iingat eh."

Kinuha ko ang braso nya at tinignan itong mabuti.

Inalis ko ang tela na naka balot sa mga suman at tinali ito sa braso nya kung saan ang sugat nya.

"Masakit ba?"

Umiling sya, "Ayos lang po ako.."

"Tsaka, bakit ang bait bait mo sa'kin?"

"Masama na pala ang maging mabait?"

She laughed, "Kung gan'on mabuti na pala ang maging masama."

Tumawa kaming pareho.

Kani-kanina lang masama ang loob ko sakanya, pero pag nasa harap ko na s'ya ni hindi ko kayang magalit sakanya.

Bakit ba ang rupok ko!

"Maniniwala ba kayo, na kapag sinabi ko na magaan ang pakiramdam ko sainyo?"

"Hindi naman ho diba?"

I chuckles.

"Gayon, ano tayo?"

Natahimik kaming pareho, bigla nalang akong nahiya at bakit ba tinanong ko iyon.

"Huh?"

Nagkahulihan nanaman kami nang tingin. 

Nang biglang may tumahol na aso sa likuran namin.

Kagad nyang hinawakan ang kamay ko bago kami tumayong pareho. Hinila nya ako papalayo sa aso habang ang aso nama'y hinahabol kami.

Sa kadiliman ng paligid, 'di namin napansin ang ilog, kaya pareho kaming nahulog dito.

Hawak hawak parin nya ang kamay ko...










gomBURzaWhere stories live. Discover now