Chapter 19

385 17 27
                                    

*Padre Jose Burgos POV*

Chapter 19- Flustered

Kinumutan ni Padre Zamora si Leonora na mahimbing ang tulog pagtapos umiyak, "Oh, iinom lang ako saglit ah, bantayan mo s'ya, baka kung ano nanaman gawin mo sakanya." Saad ni Padre Zamora.

"Sige na at umalis kana dito," Saad ko habang nagbabasa ng libro, "Ano bayang binabasa mo?" Tanong nya.

"Basta." Itinaas ko ang kamay ko at iginalaw ito na parang ipinapagpag na ang ibig-sabihin ay umalis na, "Shh, shh, shh." Seryoso kong pagkakasabi.

He rolls his eyes, "Ano bang nagustuhan sa'yo ni Delfina." Masungit nyang sinabi at kagad na umalis.

Bumugtong hininga ako, at isinara ang binabasang libro. Ibinaba ko ito sa lamesa sa tabi ng higaan at tumingin kay Leonora na mahimbing na natutulog.

Napangiti ako. Ang hirap naman magtampo sa ganyan ka cute. Ang kanyang mga pilik mata ay kahaba. Hindi ko tuloy mapigilang kiligin habang tinititigan s'ya.

Inilapit ko ang aking mukha sakanya at inayos ang kanyang bangs, habang inaayos ko ang kanyang bangs ay biglang nalihis ang aking atensyon sa kanyang labi.

"Mu... Mukhang nagbabakbak na ang kanyang labi..." Bulong ko sa sarili habang ang aking mukha ay malapit at nakatingin sakanyang labi.

...

Natahimik ako't hindi mapigilang mas lalo pang lumapit sakanya... Malapit na malapit na...

Kaya lang narinig ko na ang yapak ni Padre Zamora kaya kagad kong inayos ang pagkakaupo ko at muling dinampot ang aking libro upang magkunwaring binabasa ito.

Pagka-akyat nya ay kagad nya 'kong tinignan nang masama na para bang may ginawa akong hindi kahaya-haya. Kanina pa s'ya tingin nang tingin sa'kin kaya naman tinanong ko s'ya, "Ano bang problema at tingin ka nang tingin sa'kin." Tahimik kung tanong.

"Naninigurado lang." Sagot naman nito at muling tumabi kay Leonora.

Kanina pa 'ko tingin nang tingin sakanya, dahil hinahantay ko s'yang umalis at nang ma-solo ko naman si Leonora.

Nagkatinginan kami at parehong nagsalita, "Ba't hindi ka pa bumaba?" Sabay naming tanong.

"Bakit hindi ka pa matulog?" Sabay naming muling itinanong. Napa bugtong hininga ako at sinabing, "Ba't hindi ka pa mauna sa baba?" Tanong ko habang gigil na gigil na pilitin s'yang umalis.

"Mauna kana-"

"Mas maganda kung mauna kana-" Nang-gigigil kong sabi.

"Ahyy, nahiya ka pa, buti pa mauna kana." Nagsilakihan ang aming mata at pilit na pinapaalis ang isa't isa.

I sigh again but this time more louder, "Buti pa, tara na." Huli kung sabi ni hindi nag-antay ng kanyang sagot, at kagad pumunta sa hagdan. Muli akong lumingon hinahantay s'yang bumaba.

Dahil wala s'yang magawa, ay gayong ako'y kanyang sinundan papa-ibaba. Mabuti naman at sumunod din s'ya.

Pagbaba nami'y nag-unahan pa kaming dalawa sa higaan, pero napunta parin ako sa panget na pwesto na ayaw na ayaw ko.

Ano pa bang magagawa ko...

Pagpikit ko ay bigla nanaman s'yang nagsalita at tinanong ako, "Gusto mo ba s'ya?" Tanong nya.

"Kasalanan ko ba?" Sagot ko, kaya naman kagad n'yang nalaman ang sagot.

"Bakit ba sa lahat ng babae s'ya ang nagustuhan mo?" Tanong nyang muli.

"Eh kung sa'yo ko itanong 'yan? Sagot ko sagot mo rin naman, hindi ba?" Saad ko.

"Pero paano? Edi pareho tayong may gusto sakanya?" Dagdag nya.

"Edi may the best man win..." Huli kong sabi, "Meron ka pang pa Latin-latin, hoy 'di porket 'di ako makaintindi ng Latin!"

"Shhhh... Natutulog na si Leonora." Pagbabawal ko sakanya.

"Oo nga pala..."

"Ano ba kasi yung ibig-sabihin nun?" Muli nyang tinanong. Ngunit tinalikuran ko s'ya at humarap sa ibang direksyon, "Ewan ko sayo..." Sabay nagkunwaring humahalakhak.

"Bilis naman makatulog nito..." Pansin ko rin sa boses nya ang pag-aalala.

Patuloy ko s'yang pinakinggan hangang sa hindi ko namamalayan na nakakatulog na pala ako.

***

*Leonora Castro's POV*

Nagising ako mga oras na, mga siguro ay madaling araw na, kagad akong tumayo upang tignan kung natutulog naba si Padre Burgos. Nakakahiyang harapin s'ya matapos nang ginawa ko kanina! Pero ano bang magagawa ko, eh kung selos na selos na'ko!

Sinuot ko ang aking mga tsinelas at dahan-dahang tumayo, ngunit sa kadiliman ng paligid ay hindi ko inaasahang nandun pala si Padre Burgos papunta sa'kin kaya nagkabungo kami at parehong natumba sa sahig.

Napahiga ako sakanyang taas habang sya'y nakahiga parin sa sahig dahil sa pagkakatumba. "P...padre Burgos?" Makaba-kaba kong sabi.

Noong makapa ang kanyang kamay ay kinabahan ako dahil si Padre Burgos nga! Kagad akong tumayo at nagpunta sa'king higaan, "P-pasensya na!" Pagkakasabi na may halong kaba.

Ni hindi man lang tinulungan na tumayo si Padre Burgos na nakahiga parin sa sahig dahil sa kilig na may onting hiya.

gomBURzaWhere stories live. Discover now