Chapter 13

382 18 15
                                    

*Leonora Castro's POV*

Chapter 13- Sya o sya

"Mabuti pa, para hindi na kayo mag-away, sabay sabay tayong uuwi. Ano ayos ba?" Ngumiti sila, ngunit parang napipilitan lang sila dahil lalo pa't hindi sila magkasundo.

"Leonora, bakit isasama mo pa sya?" Tanong naman ni Padre Zamora, tila masama ang loob nito.

Hindi sumagot si Padre Burgos dahil nagtitimpi ito, at baka masaktan nyapa si Padre Zamora. He suddenly hold my shoulder, "Tara na, ano pang hinahantay ninyo?" Namula ang mukha ko nung hinawakan nya ako.

Tila naging statwa nanaman ako sa hawak nya. Nakakatunaw.  Ang bango nya, amoy matamis na prutas.

Bigla naman tinanggal ni Padre Zamora ang kamay ni Padre Burgos sa balikat ko, "Kailangan pa ba yon?" Masama nyang sabi. "Hindi ba't ikaw na rin ang nagsabi na masamang lumapit ang isang lalaki sa isang binibini? Ngunit hinahawakan mo s'ya." Saad ni Padre Zamora.

"Bakit? Ikaw ba hindi?" Sagot nito. Natahimik si Padre Zamora, dahil kung sabagay ay hinahawakan nya rin ako. Kalmado s'ya kung sumagot pero nakakatakot yung titig nya!

"Tara na." Mahina nitong sabi habang hawak-hawak parin ang balikat ko. Gano'n din ang ginawa ko at nagsimulang maglakad.

Mga ilang oras lang ay sinusulsulan ni Padre Zamora si Padre Burgos na umalis na, dahil malapit na kami sa aming tahanan. Ngunit hindi s'ya pinansin ni Padre Burgos at nagpatuloy sa paglalakad.

Muling tumingin si Padre Zamora sakanya at inutusang tangalin ang kanyang kamay sa aking balikat at umalis na. Sumagot naman si Padre Burgos nang mahina, "Ano ka? Sineswerte?" Napaka lambot ng boses nya, hindi halatang galit.

"Mukha atang may naririnig nanaman akong nag-aaway?" Strikto kong pagkakasabi.

Kagad naman nilang itinanggi, at sinabi ni Padre Burgos na, "Hindi ah! Mahal na mahal ko kaya 'to, diba?" Nilakihan nito ang kanyang mata upang sumang-ayon sya sakanya.

"Hindi kaya-"

"Diba?"

"Ah oo, para ko na ngang kapatid 'tong si Padre Burgos, eh." Mukhang masama pa ang loob nito noong sinabi nya iyon.

Ngumiti naman si Padre Burgos at muling nagpatuloy sa paglalakad.

gomBURzaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt