Chapter 11

364 14 5
                                    

*Leonora Castro's POV*

Chapter 11- Chemistry of 3

"Sana gano'n din kayo." Balik ko sakanya. Itininaas nya ang kanyang kilay at tumingin sa'kin na puno nang pagtataka.

Itinutok ko ang dalawa kong daliri sa'king mga mata at gayon din sakanya. Noong maintindihan nya ako ay tumawa s'ya na parang kinikilig. Yung mga kamay nya ay nasa labi nya habang nakangiti na tumawa, hindi ko mawari.

"Malikot din po kasi yung mata nyo." Pabiro kong sinabi sakanya.

Ngumiti s'yang muli at tumingin sa malayo. Pansin ko na hindi talaga s'ya tumitingin sa'kin.

Nakakabigla noong nagseryoso nanaman s'ya. "Hahm, kailangan ko nang umuwi, at nang matapos ko na ang isinusulat ko." Tinapangan nya ang kanyang boses at tumayo.

Nakakataka lang na napaka sungit nya sa'kin, ano kayang nangyari sakanya, 'di kaya nabagok ang ulo?

Natawa ako sa mga pinagsasabi ko sa ulo ko.

*Padre Jose Burgos POV*

Ano bang ginagawa mo Burgos! Nakakahiya ang pinag-gagawa mo! Tas sinusungitan mo pa s'ya! Sama mo talaga! Ba't 'di mo nalang aminin na kinikilig ka talaga.

Hahhhh! Ano ba 'tong mga naiisip ko, hindi ako dapat kinikilig lalo pa't isa akong pari.

Naglakad ako papalayo daretso, at 'di na muling lumingon, eh pano ba naman lilingon ay kinikilig, halatang-halata sa mukha.

Sa sobrang kilig at sa papikit-pikit ko pa ay hindi ko inaasahang kanina pa 'ko pinapanood ni Paciano.

"Padre! Mukha atang malakas ang sinag ng araw, napapapikit pa kayo!" Biro ni 'to sa'kin. Nahiya ako sa sinabi nya at muling nagseryoso. "Hindi ah! Napuwing lang!" Nilakasan ko ang boses ko at siniguradong narinig ni Leonora.

Pumikit ako sa hiya hindi alam ang gagawin, kaya binilisan ko nalang ang lakad ko.

gomBURzaWhere stories live. Discover now