Chapter 27

255 15 8
                                    

*Leonora Castro's POV*

Chapter 27- Buencamino

Kagad naman itong pinigilan ng isang ginoo na kanina pa pala naghihintay sa'kin papalabas. Noong iaangat ko na sana ang aking ulo ay bigla itong nagsalita, "Binibini, nakakahiya ang iyong ginagawa. Kahit nasa tahanan ka ng mga pari ay nagagawa mong manakit ng kapwa mo babae." Saad nito, at mukhang galit.

Natahimik ako at 'di makaharap bagkus pamilyar sa'kin ang boses na 'yun, tsaka yung kamay nya....

Teka....

Hindi kaya si Buencamino ito?

Dahan-dahan akong humarap at nakita si Buencamino na napaka seryoso ng expression, at mukhang walang balak na umalis hangga't hindi humihingi nang tawad si Delfina.

"Binibini, maaari ka bang humingi nang tawad sakanya?" Hindi sigaw ang ang kanyang pamamaraam, ito'y dinadaan nya rin sakanyang malambot na pananalita.

"Binibini, humingi ka na nang tawad, baka makagawa pa 'ko ng kasalanan dito. Marahil hindi ako nananakit ng isang babae, ngunit iyong inuubos ang aking pasensya."

Tumingin nang masama si Delfina sa'kin at mukhang wala pang ganang humingi nang tawad, "Pasensya kana. Oh? Okay naba 'yun." Sabay harap kay Buencamino.

"Sana 'yang malikot mong kamay o 'yang daliri mo lamang ay hindi ko na muli pang makikita na dadapo o mapagbigatan ang mukha ng binibining ito. Nagkakaintindihan ba tayo?" Seryoso nyang sinabi. Kahit pa gaano katigas ang ulo ni Delfina ay nakuha nya paring igalang ito at ipagpaumanhin nalamang.

Talagang magkakaiba silang anim kung makipag-usap, ipag-tanggol ang isang babae. Napaka iba...

Patampong inalis ni Delfina ang kamay ni Buencamino sakanya at kanyang inikot pa ang mga mata nya't saka umalis na parang walang ginawa.

"Pag pasensyahan mo na s'ya-" Pinutol ko s'ya sakanyang paghihingi nang tawad, dahil hindi nya naman 'yun kasalanan.

"Ayos lang ako, ano kaba! Kung wala ka baka nga dumapo na yung kamay nya sa'king mukha, buti nalamamg ay nariyan ka." Papuri ko sakanya.

"Pero binibini, isa lamang maliit na bagay iyon, pero kung sakaling gambalahin kapa nya'y tawagan mo 'ko." Ngumiti sya't tumingin sa'king mukha, "Kayo ba'y totoong hindi nasaktan?" Tanong nya na paninigurado.

Tumawa ako at tumango, "Oo naman!" —"Dahil mabait ka, meron akong ibibigay sa'yo." Saad ko.

"Huh hindi naman kai-"

"Shhhh."

Dinampot ko ang isang pulseras sa 'king bulsa at inilagay sakanyang kamay.

Binalik nya ito sa'kin at sinabing, "Hindi naman kailangan, binibini. Itago mo nalang ito para sa'yong sarili." Sinabi nya na walang pag-aalinlangan, nakangiti nya paring ibinalik ito sa'king mga kamay. Alam kong nag-aalala s'ya na kapag ibinigay ko sakanya ito ay ako ang mawawalan ng pulseras na nagkakahalaga ng malaking presyo upang maibenta.

Tumawa akong muli, "Sa'yo ito, at karapat-dapat na maging iyo." Sinabi ko at ibinalik sakanyang mga kamay at isinara ang mga kamay nya gamit ang aking mga kamay upang hindi nya na muling ibalik.

"Napaka Buti mo binibini, salamat..." Pagpapasalamat nya.

Bago paman ako makasagot ay biglang sumulpot si Paciano sa likuran ni Buencamino, "Hoy! Hoy! Hoy! Ano yan ah! Pinopormahan mo siguro s'ya!" Ma-ingit-ingit ni'tong sinabi.

gomBURzaWhere stories live. Discover now