Chapter 14

391 15 23
                                    

*Padre Jose Burgos POV*

Chapter 14- Hinala

Nakarating nakami sa bahay ni Padre Zamora pero hindi ko talaga maiwan-iwan si Leonora, lalo pa't wala akong tiwala sa mokong na 'to. Pagpasok nilang dalawa ay naiwan ako sa pinto habang pinanonood silang pumasok.

"Alis na'ko, at ikaw," Tinalasan ko ang mga mata ko at tumitig kay Padre Zamora. He frowned, at umiling. "Oo na, umalis ka na!" Nakasimangot nitong sabi.

Ano pa bang magagawa ko kundi umalis, sibukan lang nyang hawakan si Leonora at nang makita nya ang tunay na liwanag.

Isinara ko na ang pinto, makailang takbang palang ako ay napagdesisyonan kong bumalik upang pakinggan ang kanilang pinag-uusapan. Inilapit ko ang tenga ko sa pinto nila, at nakinig nang masinsinan.

"Hmm sarap!" Nanlaki ang aking mga mata sa galit mula sa narinig ko sakanila. Anong ginagawa nila?! Kapal naman ng mukha nyang gawin ang mga ganong bagay kay Leonora!

Agaran kong binuksan ang pinto, ngunit taliwas ang aking mga nakita mula sa iniisip ko. Nakita ko si Leonora na nakaupo malapit sa mesa habang kumakain ng suman kasama si Padre Zamora.

"Oh? Ba't bumalik ka pa?" Tanong sa'kin ni Padre Zamora na talagang mainit ang dugo pagdating sa'kin. "Anong ginagawa nyo?" Kumalma ako ng onti, nakakahiya naman na ganon ang iniisip ko. Pero mabuti nalang hindi gano'n ang nangyari, kundi baka bukas nasa libingan na 'tong lalaking 'to.

Nakahinga ako nang maluwag at umupo sa tabi ni Leonora. "Ayos ka lang ba?" Kagad ko naman na itinanong sakanya. "Oo naman, ba't mo naitanong?" Kahit kailan talaga, kapag sya ang nagsabi talagang kahit isang kasinungalingan ay mas gugustuhin mong maniwala.

Ngumiti ako, "Mabuti kung ganon..." Inayos ko ang bangs nya, ngunit matapos kong gawin yun ay bigla syang nabulunan, ewan ko ba.

Kagad naman kaming nag panic ni Padre Zamora. Madalihan kaming naghanap ng tubig, ngunit pati ba naman sa tubig ay kailangan maunahan ako?! Nadampot nya ito kagad at ibinigay kay Leonora.

Hinimas nito ang likuran ni Leonora, "Ikaw kasi eh! Kung di ka sana bumalik, hindi sana sya nabulunan." Masama nyang sabi.

"Tsaka, ba't nandito kapa, pwede ka na namang umalis." Saad ni Padre Zamora.

Umiling ako at sumagot, "Dito ako matutulog." Mahinhin kong sabi.

"Ano?!" Nagulat sya sa sinabi ko, pati si Leonora ay naubo at muntik pang mailuha ang iniinom na tubig.

Sinabi ko iyon para makasigurado na makakatulog s'ya nang maayos nang hindi hinahawakan ng mokong na 'to!

gomBURzaWhere stories live. Discover now