Chapter 10

579 19 10
                                    

*Leonora Castro's POV*

Chapter 10- Jealousy

Pagbukas ko ng pinto, nadatnan ko si Padre Pelaez na mahimbing na natutulog. May kandila sa mesa at may sulat na naka kabit, "Mayroong pagkain sa mesa kung uuwi kang gutom, naka handa narin ang iyong higaan sa taas kung ika'y inaantok na." Nariyan kong nabasa.

Napangiti ako sa nakita kong sulat, kung itrato nya 'ko ay parang isang kaibigan kahit 'di pa nya 'ko lubusang kilala.

Linapitan ko sya. Kinumutan ko s'ya bago umakyat papaitaas.

Pag-akyat ko, kagad kong binuksan ang libro, at binasa ito.

Nakalagay sa libro ang...

Ano?! Mamamatay si Padre Pelaez sa ika tatlo ng hunyo, dahil sa paguho sa Katedral ng maynila?!

Sa simbahan...

Teka, ano na ba ang petsa ngayon?

Tumingin ako sa kalendaryong nakadikit sa pader.

Namutla ako sa aking nakita.

Hunyo 2!???

Napalunok ako.

Kailangan nyang mabuhay. Hindi ko hahayaan na mamatay sya...

What's the plan?

Kung hihilahin ko sya papalabas siguradong hindi sya madadawit sa mangyayari. Kailangan kagad akong makapunta sa simbahan, lalo pa't hindi ko alam kung anong oras guguho ang simbahan.

Napahawak nalang ako sa mukha ko.

Bakit ba kailangan nyang mamatay? Ganoon ba kasama ang tadhana sakanya?

Bumaba akong muli para tignan kung natutulog parin sya.

Tulad nang Hinala ko, tulog parin sya.

Nilapitan ko s'ya at umupo sa tabi nya.

"Padre, makakaya mo bang mabuhay para sa'kin?" Bulong ko.

I hold his hand. "Pangako, maililigtas kita... Tiwala ka lang, kung magtitiwala ka sakin, lahat ay magiging maayos."

"Sasagipin kita..."

"Just relax... You'll be safe as long as I'm here beside you."

I lean my head to his hand. "Promise." I whispered.

*Few minutes later*

Ayaw ko mang aminin, pero nag-aalala ako sakanya. Alam ko marami kang maiiwan at masasaktan kapag nawala ka, isa na ako doon. Hindi mo deserves na mawala nang maaga. Gusto ko makita kang buhay hangga't buhay ako.

***

*3am*

Hindi parin ako makatulog.

... Should I go early, to proactive the earthquake.

Bumangon na'ko at dali-daling dinampot ang bag ko.

Bumaba ako nang tahimik, di ninanais na magising sya. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto.

Noong nakalabas nako, tumakbo ako papunta sa simbahan na kung saan magaganap ang malaking trahedya.

Pagdating ko doon madilim-dilim pa ang paligid, kaya naman umupo muna ako sa upuan, habang hinihintay syang pumunta sa simbahan.

How can I know when there's no specific time of death written in the book. Kailangan kong maging maagap.

***

*Makalipas ang ilang oras*

Nakita kong papunta na sila sa simbahan kaya nagtago nako sa mga halaman.

Nakita ko din syang may hawak hawak na libro na lagi nyang ginagawa, ganoon din ngayon.

Wala pa s'ya sa loob ng simbahan pero kinakabahan nako.

*Makalipas ang ilang minuto*

Hindi na ako mapakali, pakiramdam ko ngayon na guguho ang lupa.

Kailangan ko nang makaakyat sa taas!

Madaling-madali akong tumakbo papunta sa loob ng simbahan. Kada hakbang bumibilis ang tibok ng puso ko.

Hindi kona tinitignan bawat hakbang ko. Ni Hindi ko man tinignan ang hagdan, patuloy akong tumatakbo hanggang sa naabot ko na ang pangalawang floor.

Nakita ko s'yang nakaupo at kagad nilapitan.

"Maaari ho ba kayong sumama sa'kin?" Tanong ko.

Hindi nako naghantay pa ng kanyang sagot, hinawakan ko ang kanyang kamay at hinila sya papalabas.

Tumakbo ako at ganun din ang ginawa nya. Mahigpit ang pagkaka-hawak ko sakanya kaya sigurado ako na makakarating pa kami sa baba.

Malapit na kami sa pinto noong naramdaman kong gumuguho na ang sahig.

Binilisan ko pa ang takbo hangang sa...

Nakalabas nakami at doon gumuho ang taas ng simbahan.

Laking pasasalamat ko sa Dyos noong makalabas kami ng buhay at walang sugat.

Paglabas namin, kagad kong tinanong si Padre Pelaez, "Ayos lang ho ba kayo?"

"Salamat." Hindi nya sinagot ang tanong ko at kagad nya kong yinakap.

Yinakap ko rin s'ya, ngunit ang hindi ko alam ay nasa likod lang pala namin si Padre Burgos na nakatayo at pawisan.


gomBURzaWhere stories live. Discover now