Chapter 21

231 10 10
                                    

*Leonora Castro's POV*

Chapter 21- Harana

"Binibini, hindi ba't napakaganda ng iyong mata, parang mga bitwin na nagniningning tuwing gabi?" Bola nito, "Sana magustuhan mo itong aking aawitin." Nakangiti nitong sabi habang hawak-hawak ang rosas.

Magsimula s'yang kumanta, ako'y natawa dahil wala pang katagalan ang kanyang pagkanta ay napiyok na s'ya, pero tumuloy parin s'ya sa pagkanta kahit ang kanyang boses ay hindi ganoon kaganda.

"Puno ang langit ng bitwin at kay lamig pa ng hangin, sa iyong ngiti'y ako'y nababaliw, giliw. At sa awitin kong ito, sana'y maibigan mo, sa'king munting harana... Para sayo~" Kanta nito. Natuwa ako sa kanyang pagtitiyaga sa pagkanta at ang effort nya sakanyang damit at kung ano pang kanyang dala.

I raise my both hand and clap, "Galing!" Sigaw ko habang nakangiti. Sila'y ngumiti at bigla namang sumingit si Felipe, "Ahh! Binibini, ako nga pala si Felipe Buencamino, baka kasi si Paciano lang ang iyong kilala!" Saad n'ya.

—"Binibini, gusto ko lang sabihin na kaya ko rin umawit, ako'y iyong pakinggan!" Natuwa naman ako sa kanyang kapilyuhan.

"Bakit pa kailangan ng rosas kung marami namang mag-aalay sa'yo, uupo nalang at aawit, mahihintay nalang ng pagkakataon. Hahayaan nalang sila na magkandarapa na manligaw sa'yo idadaan nalang kita sa awitin kong ito, sabay nang tugtog ng gitaraaaa~" Nariyan pa nyang birit.

Nakakatuwang makita ang mga lalaki na nanghaharana, talagang nakakapanibago, sapagkat sa panahon ko'y wala nang nanghaharana.

Ngumiti ako nang matamis sakanila at meron pa silang pa hawak-hawak sakanilang dibdib na kala mo nama'y pinana ni kupido, "Binibini! Mahal kita!" Sigaw ni Paciano. Nariyan pang tinignang masama ni Felipe si Paciano at muling tumingin sa'kin.

"Binibini, ba't hindi nyo nalang aminin na ako talaga ang makisig sa'ming dalawa!" Kontra ni Felipe.

"Siguro nga'y ika'y nananaginip nang gising. Etong mukhang 'to? Lahat ng mga babaeng lumalapit sa'ki'y nahihimatay lalo pa kaya kung kikindatan ko sila!" Mayabang na sagot ni Paciano.

Tumawa ako at sinabing, "Alinma'y kayo'y masasabing magagandang lalaki, hindi kailangang ipagkumpara." Kinilig naman sila sa'king sinabi at namula ang pisngi.

Habang ako'y nakikipag-biruhan sa dalawa ay may nakita akong mayamang lalaki na naka sakay sa karwahe at mukhang galing sa ibang bayan, pero nakakagulat ang kanyang mga suot ay talagang mamahalin.

Hindi kaya bagong lipat s'ya dito sa'ming bayan?

Nang mahuli nya akong nakatingin sakanya ay ngumiti naman ito sa'kin at kumindat. I frown as he looks back to the direction.

Luhh, feelingero... Hindi naman masamang tumitig sabi ni Padre Burgos.

Napaka yabang naman nun, 'kala nya siguro ay gusto ko s'ya!

gomBURzaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang