Chapter 16

358 17 10
                                    

*Padre Zamora's POV*

Chapter 16- The snake

Ngumiti ito sa'kin, at ngumiti kay Padre Burgos, muli s'yang tumingin sa'kin at sinabing, "Kamusta?" Halatang pag-iipit ng boses nito.

Kilala ko s'ya, sigurado hindi ako ang pakay nya dito kundi si Padre Burgos, malamang sa malamang ay lalandiin nya ang kung sino mang matipuan nya. "Gulat na gulat?" Tanong nito na mas lalo pang nagpakulo ng dugo ko.

Nilagpasan nya lang ako at naglakad papunta kina Leonora at Padre Burgos, "Magandang gabi, Padre Burgos." Mapangtukso nitong sabi. Ngunit ano pa nga ba ay tinignan lamang s'ya ni Padre Burgos at 'di man lang humimik.

"Hmmm... Nakakatakot naman kayo kung tumingin." Saad nito at umupo sa tabi ni Padre Burgos.

Kagad ko naman hinawakan ang braso nito at hinila papalabas, himalang hindi sya naglaban, marahil pinupukaw nya ang atensyon ni Padre Burgos.

Natatakot ako na baka maapektuhan pa si Leonora dahil sa babaeng 'to...

Noong mahila ko na s'ya sa labas ay kinausap ko ito, "Ano bang ginagawa mo dito?" Sinabi ko habang sinusubukan na hindi magalit. "Dito naman talaga ako nakatira." Mataray nitong sabi.

"Kasinungalingan." Saad ko.

"Itigil mo na ang iyong mga binabalak, kung ano pa ang mga yan."

"Tandaan mo 'to, wag na wag mong lalapitan si Leonora o mapag bigatan man lang ng kamay, dahil kundi, ako ang makakaharap mo." Strikto kong sabi.

"Aba! Ano bang pinakain sa'yo ng babaeng paslit na yun? At mukha atang nagayuma ka nya!" She mocked.

"Wag na wag mo s'yang matawag-tawag na paslit na babae, dahil hindi lamang s'ya basta-bastang babae." Sinabi ko sabay bitaw sa braso nito at bumalik sa loob.

Agaran kong nilapitan si Leonora, "Pasensya na-" She cuts me off, "Bakit ka sa'kin humihingi nang tawad? Tsaka ba't ka humihingi nang tawad sa'kin? Ano ba tayo?" Mahinhin na saad nito, hindi sya galit, hindi rin naman s'ya natutuwa malamang, pero ang laki nang takot na nararamdaman ko dahil baka lumayo ang loob nya sa'kin.

"Pasensya na talaga, hindi na mauulit, hindi ko rin alam na pupunta pala s'ya dito-"

"Buti pa ay pag-usapan nyong dalawa 'yan, dahil baka mauwi pa 'to sa malaking problema." Ngumiti sya, "Tsaka, akyat na 'ko, inaantok na rin kasi ako." Dagdag nya. Nakakapanibagong masinsinan s'ya kung makipag-usap, dahil madalas ay mataas ang boses nya at laging tumatawa.

Wala akong magawa kundi panoorin s'yang umakyat papaitaas at gayun din si Padre Burgos na sumunod sakanya.

Hindi ko alam ang aking mararamdaman... Siguro nga mahal ko na s'ya. Nagagalit ako bakit kailangan sirain pa nya kaming dalawa ni Leonora.

Galit na galit ako sakanya...

gomBURzaWhere stories live. Discover now