Chapter 4

377 10 2
                                    

*Leonora Castro's POV*

Chapter 4- Lunar Eclipse

"Tignan mo oh! Ang ganda!" Saad ko. Ngumiti s'ya at tumingin sa'kin. "Natatakot ako pag may nakikita akong ganyan, pero... I honestly thinks it's beautiful." Sinabi nya nang mahina.

"Huh? Ba't kanaman natatakot d'yan? Ang ganda kaya..." I said confusedly.

"Kulay dugo, ibig-sabihin may mangyayaring masama." Napansin ko ring kanina pa s'ya nagmamasid sa paligid.

"Kung gusto mo bumalik nalang tayo." I concernedly said, baka may trauma s'ya or whatever, natatakot ako para sakanya.

"No, hindi sige, malapit narin naman tayo." Tinanggi nya at nagpatuloy kaming naglakad sa madilim na daan, kung saan ang daan papunta sa convenience store.

Haligaga s'ya mula kanina kaya pati ako natakot.

Biglaan nyang hinawakan ang ulo nya at natumba sa gitna ng kalsada kung saan dumadaan ang mga sasakyan. Kagad ko s'yang nilapitan at sinubukan buhatin, pero...

"Ced! Anong nangyari?" Nanginginig s'ya sa takot ni hindi maka-tayo sa kinalalagyan nya.

"Leonora! Tumabi ka, iwan mo na 'ko! Dali!" Sigaw nya sa'kin, ngunit hindi ko s'ya kayang iwan.

Nanatili ako sa tabi nya.

Maluha-luha na ang mga mata ko, papatak na sana ang luha ko sa balat nya nang biglang may kung anong liwanag ang sumilaw sa'kin, iyon pala ay ilaw ng sasakyan.

Ang bilis ng sasakyan...

Napapikit ako... At narinig ang busina nito...

***

***

"Binibini?" Tawag nito.

Naka sandal ang ulo ko sa mesa ng simbahan kung saan umuupo ang mga nagsisimba. Masarap at mahimbing ang tulog ko, ni hindi ko alam na may tumatawag na pala sa'kin.

"Binibini?" Inulit nya.

"Hmmm? Wala kaming pasok ngayon, ma!" Masama ko pang sabi at itinuloy ang tulog ko.

He poke my shoulder, but I irritatedly moves away.

"Ano naman kaya ang ginagawa nitong babaeng to dito?"

"Bahala ka nga d'yan." Umalis sya at nagpatuloy linisin ang simabahan.

Bigla akong nagising nung mapanaginipan ko na nahuhulog ako kaya napa galaw ako sa pwesto ko at tumayo.

Lutang pa ako kaya hindi ko pa na-re-realize na nasa ibang lugar na 'ko. "Nasan ba 'ko?" Sabay kati ng ulo.

Naglakad ako papalabas, ngunit habang tumatagal ay naaalala ko kung nasan ako.

"Wai-" I shockedly looks back to the statue of Yeshua.

Tumingin ako sa ibaba at may nakitang naka tapon na sulat.

Kinuha ko ito at binuksan, ngunit ang laman nito'y hindi ko inaasahan sapagkat... "Ang iyong katawan ay bumalik sa totoo mong mundo, pero ang puso mo'y pilit na mananatili sa lugar na 'to."

Nang matapos ko itong basahin bigla nalang itong naglaho na parang bula.

Nagmadali akong lumabas at nakitang ang mga bahay ay makaluma. Pansin ko din ang mga tao na nakasuot ng mga makalumang damit.

Could it be...

gomBURzaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora