Chapter 17

302 12 25
                                    

*Leonora Castro's POV*

Chapter 17- Overthinking

Hindi ako makapaniwala noong mga sandaling yun, ang akala ko ay matapos ang ilang taon ay hindi na muli pang babalik ang babaeng yun... Napakasakit.

Umupo ako sa dulo ng kanyang higaan at isinubsob ang aking mukha sa aking palad. Gayo'y 'di ko napansin na umupo sa tabi ko si Padre Burgos.

Bigla s'yang bumulong, "Umiiyak ka ba?" Tanong nito, umuling naman ako pero ang mukha ko ay nakasubsob parin sa 'king palad.

"Bakit?" Saad nito, "Bakit umiiyak ka? Ano ba kayo?" Mahina nitong sabi. Halata sakanyang boses ang selos na nararamdaman.

Ang isa pang dahilan kung bakit hindi ako makatingin nang daretso ay nakatingin din s'ya sa'kin, sa'kin at sa'kin lang.

"Hindi naman ikaw ang pakay ko dito, ang totoo nyan ang gusto ko ay si Padre Burgos!" Sigaw ng babae, narinig namin iyon dahil malakas ang kanyang boses. "Oh sige, edi dun ka, tutal d'yan kanaman magaling..." Saad ni Padre Zamora sakanya.

"Gusto mong malaman ang totoo?" Balik nito sa babae.

"Ang totoo ay meron na 'kong mahal, at kapag nakita kong sinaktan mo ang mahal ko, kahit kelan ay hindi kita mapapatawad." Huling sambit ni Padre Zamora.

Sa oras na nakikinig ako habang ako'y umiiyak ay hindi ko alam ang aking mararamdaman, sapagkat ano nga ba naman ang laban ko sa first love, pero ang lalaking ito ay pinatunayan nya na hindi palagi ang pipiliin ay ang nauna.

Gusto kong ngumiti sa katunayan, pero bakit sa kahit anong pilit kong mahalin sya ay ang mukha ni Padre Burgos ang naaalala ko... Nagiguilty ako, pero itong nasa tabi ko ay ang aking tunay na minahal.

S'ya lang ang gusto ko...

Humagulgol ako sa iyak, ngunit hindi parin ako kinausap ni Padre Burgos o hinawakan man lang. Bakit ayaw nya ako? Talaga bang mas maganda sa'kin ang babaeng iyon? Talaga bang mas magugustuhan nya s'ya kumpara sa'kin na talampakan nya lang?

Ansakit...

Para ngang gusto ko nalang s'yang layuhan, eh pilit akong nag aassume hindi naman nya ako gusto. Siguro nga hindi ako ang gusto nya...

Tumayo ako upang tumakbo papaibaba dahil hindi ko na kaya, ngunit dinakma nya ang aking pulso, ngunit hindi ako kagad nagpa-tinag sakanya. Bakit ba ang sama nya? Napaka pa fall nya! Hindi porket gusto ko s'ya ay maaari nya nang paglaruan ang damdamin ko.

"Leonora, binibini, saan ka pupunta?" Tanong nito, na may pag-aalala sakanyang mukha.

Tinanggal ko ang aking kamay roughly at tumakbo papa-ibaba, noong makita ko si Padre Zamora ay kagad ko s'yang niyakap, hindi iniisip na nasa likod lang namin si Padre Burgos na sumunod sa'kin.

gomBURzaWhere stories live. Discover now