Chapter 29

253 14 14
                                    

*Padre Jose Burgos POV*

Chapter 29- Resist

Wala akong magawa kundi tumango sa sinabi ng aking kapatid, dahil kahit ano paman iyon ay hindi ko maaaring isakwil ang aking kapatid, dahil kadugo at karamay ko parin sya, masakit man o hindi, wala naman akong magagawa.

Pag-alis nya'y dumungaw ako sa bintana, sa'king pagmamasid ay nakita ko si Leonora na kasama ang dalawang pasaway, sino pangaba, edi sina Felipe at Paciano.

Marahil masakit makita s'yang may kasamang iba, ngunit mas masakit kung tutulungan kong manligaw ang aking kapatid nang hindi nalalaman ni Leonora ang aking nararamdaman para sakanya...

Eh kung umamin na kaya ako... Baka naman ako'y kanyang iwasan, tsaka ako'y isang pari na kailanma'y hindi maaaring magmahal na parang romantiko. Ngunit gaano ko ba kailangan tiisin ang sakit at ang pagmamahal ko sakanya, eh kung sangayo'y madaming nagkakagusto sakanya.

Hindi lamang isa kundi lima. Hindi ko sila masisi, sapagkat s'yang tunay na kahaya-haya, hindi maihahalintulad sa iba.

Siguro nga eto na ang pagkakataon para aminin ko na, hindi naman siguro masama kung gayon.

Aminin ko man o hindi pero sa bawat ngiti at tingin nya sa dalawa ay purong selos ang aking nararamdaman. Nais ko silang lapitan upang pagbawalan, ngunit oo nga pala, nasaan ang aking karapatan?

Wala nga pala... Kahit anong oras ay maaari nyang tuldukan ang pagkakaibigan na'min. Sabagay wala naman ngang kami tulad nang sabi ng aking kapatid para pagharian s'ya.

Hangang dun nalang ba kami?

Pinagmasdan ko s'yang mabuti, bawat minutong nailalahan sa pagtitig sakanyang mukha ay ganoon ang pagbigat ng aking nararamdaman. Napaka ganda nya talaga, s'yang tunay. S'ya ang aking gusto, pero bakit...

"Padre!" Boses na galing sa'king likod. Paglingon ko ay nakita ko si Delfina na nakatayo sa likod, nagulat ako noong makita s'yang nakasuot ng bestida at may hawak-hawak na bulaklak, hindi lamang iyon at hindi rin s'ya humingi ng aking pahintulot sa pagbukas ng pinto.

Lumapit s'ya sa'kin at sinabing, "Magandang hapon ho!" Bati nya. Bakas ang kolorete sakanyang mga pisngi at labi na mamula-mula.

Napalunok ako sapagkat ang kanyang suot ay sadyang napaka litaw upang isuot sa harapan ng isang lalaki, kaya tumingin ako sa ibang direksyon at sumagot, "Ano ang iyong nais, binibini?" Tanong ko.

"Meron sana akong sasabihin..." Tila ako'y natahimik noong marinig yun mula sakanya. Hindi parin maalis sa'king isipan ang sinabi ng aking kapatid tungkol kay Leonora, at tuwing naririnig ko ang mga salitang kanyang binitawan ay parang gusto ko nalang basagin ang bawat salamin na aking makikita.

Sumagot ako nang masinsinan, "Ano iyon?" Pilit iwas nang tingin. —"Matagal na po ito, ngunit ngayon lang ako nagkaroon nang pagkakataon." Saad n'ya. Ako nama'y napatingin, maaari ngang ganon din ang kanyang sasabihin, ngunit pa'no ko ba ipapaliwanag na may iba na 'kong gusto.

Hindi ako nananakit ng puso ng isang babae, lalo pa't isa ring disenteng babae ang aking iniibig. Kung hindi ko kayang gawin kay Delfina ay mas lalong hindi ko gagawin kay Leonora, mahal ko s'ya...

"Gusto ko po kasi kayo." Daretso nyang sinabi habang nakangiti, ngunit hindi ko mapigilang magsalita.

Kahit pa may naririnig na'kong mga yapak ay gusto ko nang mailabas ang kanina ko pa'y gustong sabihin, "Pasensya na, pero may iba na 'kong gusto-" Nanlaki naman ang aking mga mata at napahinto noong nakita si Leonora na nasa likuran namin at mukhang nasaktan sa mga narinig.

Hindi ko sinasadyang marinig nya ang aming pinag-uusapan, at hindi ko alam na kanina pa s'ya nakikinig.

Kagad ko s'yang nilapitan ngunit umalis s'ya kagad, mukha ngang nasaktan ko s'ya...

Tumakbo din ako upang habulin s'ya ngunit hinawakan ni Delfina ang aking kamay upang ako'y kanyang pigilan sa paghabol sakanya. "S'ya ba?" Malakas na sabi ni Delfina.

Hindi ako makasagot, ang iniisip ko ay si Leonora baka kung anong isipin nya, sana'y alam nya na s'ya ang aking tinutukoy. Sana hindi ko s'ya nasaktan! Nakaka-inis ka naman kasi Burgos, bakit mo hinayaang marinig nya ang mga gano'ng bagay?!

Halata sa'king mata ang lungkot na nararamdaman.

Tumingin akong muli kay Delfina na hawak hawak parin ang aking kamay, "Pasensya na, pero s'ya ang aking minahal, at mahal." Aking saad at inalis ang kamay sakanya, at tumakbo upang habulin si Leonora.

***

Noong makalabas ako'y nakita ko s'yang yakap-yakap ang aking kapatid at umiiyak ito sakanyang bisig, noong makita nya ako ay kagad s'yang bumitaw dito at agarang naglakad papalayo.

Ngunit bago paman s'ya makaalis ay dinakma ko ang kanyang kamay upang huminto sa paglalakad, "Leo..." Masinsinan kong sabi.

"Iniiwasan mo ba 'ko." Dagdag ko habang sya'y umiiwas nang tingin. Hindi s'ya tumingin sa'king mata, at umiling.

"Ayaw kong nakikita kang ga-" bumitaw sya't umalis kagad nang hindi naririnig ang aking sinasabi. Nalungkot ako, buti nalang ay nailagay ko ang sulat sakanyang bulsa, sana mabasa nya...

Nagkatinginan kami ng aking kapatid na parehong nag-aalala sakanya, ngunit bago pa ako makapag explain ay umalis na s'ya papalayo.

Hindi ko s'ya masisi, dahil oo nga naman ay sa una palang nasaktan ko na si Leonora, hindi lamang iyon ay sinabi ko rin na walang kami ni Leonora, ngunit baka nga napaghalataan nya na na may gusto ako sakanya.

Oh baka naman may nalaman s'ya na sinabi ni Leonora...

Yumuko ako hindi alam kung pa'no haharapin ang lahat ng ito.

*Leonora Castro's POV*

Manga-ilang oras ay hindi ako makatulog sa nangyari kanina, at lalo na wala dito ngayon si Padre Zamora dahil doon s'ya natulog. Wala naman akong magagawa...

Pumunta ako sa may binatana sa itaas upang magpahangin saglit. Napatingin ako sa mga bitwin na nagniningning. Totoo't andaming ala-ala sa mga bitwin na masasabi kong mga saksi sa lahat nang nangyari sa'kin.

Naalala ko lamang ang sulat na nakapa ko sa'king bulsa kanina, ano kaya yung ibig sabihin nung sulat?

Sulat: (Binibining hermoso, nais kong ika'y dumungaw sa iyong bintana mamayang gabi, may gusto akong sabihin sa'yo.) Nakasaad sa sulat.

Hindi ko alam kung sino ba ang nagsulat doon, at ni hindi ko 'man matandaan kung sino ba ang naglagay nun sa'king bulsa.

Masakit parin sa'kin noong marinig na may iba na s'yang gusto. Oo, hindi nga si Delfina, ngunit baka mas maganda kay Delfina, ano namang laban ko dun, hindi ba't ako'y isa lamang babae na kanyang gustong kasama, kausap at kabiruhan lamang?

I sigh.

Ilang minuto ang nagdaan ay may nakita akong ginoo na papalapit sa tahanan namin, may kasama itong aso't mukhang naka barong.

Sa kalapita'y aking napagtanto na si Padre Burgos ito na may kasamang aso. Ako'y napatitig lalo dahil sakanyang suot-suot na talaga namang bumagay sakanya.

Hindi kaya s'ya ang naglagay at nagsulat dun sa nakakabit sa'king bulsa?

"Binibini!" Tawag nya.

"Halika't ika'y bumaba!" Tawag nya.

"Dito kanalamang bumaba, upang hindi mahalata na umalis ka sa pintuhan!" Kanyang dag-dag, at mukhang ingat na ingat sa pagbitaw ng mga salita, dahil baka magising ang aming mga kapitbahay.

Tumango ako at sinunod s'ya, dahan-dahan akong bumaba. Habang ako'y bumababa ay narinig kong sinabi nya sa aso ay, "Wag kang maingay, baka mahuli ang binibining akyat bahay." Pabiro nyang sinabi at gayon ako'y natawa.

Noong pababa na ko't malapit na, ako'y kanyang inalalayan upang maayos na makababa.

gomBURzaWhere stories live. Discover now