Chapter 28

224 11 11
                                    

*Fidel's POV*

Chapter 28- Pagtatalo

Kumatok ako sa pinto ng aking kapatid dahil may balak akong sabihin sakanya, ngunit walang nagbubukas ng pinto. Kaya naman binuksan ko nalang ito nang walang pahintulot.

"Kuya, puedo hablar contigo¿ (pwede ba kitang makausap?)" Tanong ko sakanya na namumula ang mukha at nakatayo malapit sa pader. "Ano bang ginagawa mo sa pader at kanina kapa nakatayo d'yan?" Dagdag ko.

Agaran naman s'yang lumingon at sakanyang pagharap ay mas lalong naging halata ang pamumula ng kanyang mukha. "Mukha atang nag-aaral kang gumamit ng isang kolorete?" Matawa-tawa kong sabi.

Kagad nyang pinunasan ang kanyang mukha upang maalis ang pamumula sa kanyang pisngi, ngunit kada punis nito ay mas lalo pang namumula. "Ah! Meron kasing ano bata na naglagay ng kolorete sa aking mukha!" Kanyang pagsisinungaling.

Katakatakang ang lalim ng kanyang dimple.

"Mabalik tayo, ano nga ba ang ipinunta mo dito?" Sinabi nya habang umuupo sakanyang upuan. Kasabay naman nito'y ako'y umupo sa harapan ng kanyang mesa.

"May itatanong kasi sana ako..." Halos ako'y mabulol sa kaba. Alam kong strikto ang aking kapatid, pero importante talaga 'tong sasabihin ko.

Naghintay ako ng mga ilang segundo upang ako'y kanyang tanuningin ngunit kahit sya'y hinahantay akong magsalita. Itinaas nya ang kanyang mga kilay, kaya napilitan akong umpisahan ang usapan. "Kuya, yung kasing babaeng lagi mong kasama kasi-" Hindi pa ako tapos ay kagad na s'yang nagtanong.

"Bakit?! Anong nangyari sakanya?!" Pagtataas ng kanyang boses. Mas mukhang apektado pa s'ya sa nangyari sakanya kisa sa aking sasabihin.

"Wala naman nangyari sakanya," Aking pagtanggi, "Ano kasi... Uhm gusto ko s'ya, kaya lang baka magalit ka kasi kapag sinabi kong..." Hindi ko maituloy-tuloy ang aking sinasabi dahil kanina pa s'ya nakatingin sa'kin, nakakatakot, lalo pa't bigla s'yang tumahimik, ibig sabihin ay galit na s'ya.

"Gusto?" Inulit nya.

Tumango ako, at mas lalong naging nakakatakot ang kanyang tingin. "Ahhhhh, maaari ko ba s'yang ligawan?" Tanong ko habang tumutulo na ang aking pawis sa kaba.

Iginalaw nya ang kanyang ulo at tumingin sa'kin nang daretso, "Ano ang iyong ibig-sabihin sa liligawan mo s'ya?" Muli nyang tanong.

"Wala namang kayo, hindi ba? Kaya naisip ko na baka maaari ko s'yang ligawan." Sagot ko. Ang ikinatakot ko pa ay ang hawak hawak nyang papel ay nalulukot na sa tindi ng kanyang pagkaka-hawak.

"....Oo, tama ka, ano nga ba kami para pigilan ka." Halata sa boses ang kanyang galit na nararamdaman. Pero hindi ako nagsisi, dahil totoo at parang isa itong "Pag ibig sa unang tingin" dahil mahal ko na s'ya kagad.

Tumango lang s'ya at yumuko, "At bakit naisip mo s'yang ligawan?" Tinanong nya nang mahina. Kinakabahan nanaman ako dito, para bang isang tanong isang sagot. "Mahal ko na s'ya..."

Pagkasabi ko nun ay natawa s'ya, hindi ko alam kung bakit.

*Padre Jose Burgos POV*

Wala naman akong karapatan na pigilan ang aking kapatid sa panliligaw kay Leonora, ngunit sa katagal-tagalan ng panahon ay nakakatawang mas mauuna nya pang maliligawan si Leonora kumpara sa'kin na nauna naman at mas naunang minahal s'ya.

Sabagay ay ako'y pari, ngunit ako'y isang tao din para magmahal.

"Maaari mo ba akong tulungan manligaw?" Nagulat ako sakanyang itinanong at hindi alam kung pa'no makakasagot. Ni hindi ko nga kayang makitang nililigawan ang aking mahal, tapos tutulungan ko pa s'yang manligaw, ano ba ako? One sided?

"..."

gomBURzaWhere stories live. Discover now