Chapter 12

430 17 15
                                    

*Leonora Castro's POV*

Chapter 12- The four

Malayo-layo na si Padre Burgos nung lapitan ako ni Paciano, tumabi din s'ya sa'kin, abot tenga ang kanyang ngiti.

Tulad ng aking hinala ay may binabalak nga s'ya. Dahil tila may tinatago s'ya sakanyang likuran. "Binibini, meron sana akong nais na ibigay sainyo." Tugon nya.

Sa pagkasusyo ay tinanong ko s'ya, "Ano ba yun?" Baka kung ano nanaman ang binabalak ng batang 'to.

"Uhm, ngunit bago mo ito makuha ay kailangan sagutin mo muna ang tanong ko." Sambit nito sakin.

"Tanong?" Inulit ko.

"Maaari ba akong manligaw sa'yo?" He smirks. Alam ko naman mula pa kanina ay may binabalak s'ya.

Tumawa ako at tumingin sakanya. "Nako, mas mabuti pang magsikap kana muna sa pag-aaral mo." Saad ko. Natahimik s'ya pero hindi s'ya kagad sumuko.

"Oo o hindi?" Bigla nyang tinanong.

"Ah-"

"Oo o hindi?"

Napaka kulit naman ng batang 'to, ayaw akong tantanan.

Maya-maya lang ay walang kung ano ay sumulpot ang isang binata mula sa likuran namin, "Ano ka ba Paciano, wag mo ngang tinatakot ang binibini." Mahinhin ni'tong sabi, pero naririnig ko ang pagkamayabang sa tono ni'to.

Pumunta s'ya sa harapan namin at tumingin sa ming dalawa. "Napakagandang binibini..." Bulong ni'to sa sarili.

"Binibini, tignan mo ngang mabuti, sino ang mas gwapo sa'ming dalawa, hindi ba't ako?" Saad nito sa mayabang na pamamaraan at inilapit pa ang mukha kay Paciano.

Hay nako, kala ko naman iba s'ya, yun pala'y walang ipinagkaiba kay Paciano.

Lapit sya nang lapit sa'kin, hangang sa muling bumalik si Padre Burgos na ang akala ko ay umalis na, ayun pala'y nagmamasid sa'min.

"Kayong dalawa, anong ginagawa nyo sa binibini?" Seryoso nitong tanong, talagang istrikto ang pagkakasabi.

"Wala-" Sasabihin na sana nila kaso muling nagsalita si Padre Burgos. "Pasensya na pero lapit kayo nang lapit sa binibini talagang walang respeto ang inyong pinapakita, lalo pa't kayo'y mga lalaki."

"Pero bakit kayo-"

"Shhhhttt, makinig at umalis nalang kayo." Isa pang boses na nang-gagaling sa likuran ko. Paglingon ko ay nakita ko si Padre Zamora na galit na galit.

"Sige po." Nag bow sila at umalis kagad, halatang takot na takot. Habang ang dalawa nama'y titig na titig sa isa't isa kala mo naman lalamunin nila ang isa't isa.

Tumingin ako sakanila na para bang malapit nang magsuntukan sa titig palamang. Grabe naman 'tong dalawang 'to, napaka intense kung tumitig.

"Ba't nandito ka pa?" Saad ni Padre Burgos sakanya, masama parin ang tingin.

"Sabay kaming uuwi ni Leonora, bakit?" Sagot naman ni'to. Para namang nagpapataasan ng hihi ang mga 'to kung magusap.

"Hindi naman kailangan na lagi kayong sabay umuwi." Balik ni'to sakanya.

"Kailangan!"

"At bakit?"

Bago paman lumala ang kanilang pag-uusap ay tumayo na 'ko para pigilan sila sa kanilang binabalak. "Tama na, please?" Ma-inis-inis kong sabi.

"Wala kayong ipinag-kaiba kina Paciano at Felipe. Para kayong mga bata." Pareho silang nanahimik.

Aba! Buti naman makuha sila sa tingin.

gomBURzaWhere stories live. Discover now