Chapter 23

306 14 22
                                    

*Leonora Castro's POV*

Chapter 23- Seloso

"Halina't sasamahan kita." Saad nito, "K-kapatid nyo ho sya?!" Tanong ko sakanya habang nakatingin kay Padre Burgos.

"Pareho bang gwapo?" Bigla nyang sinabi, kaya naman natawa ako at napa-isip, "Gwapo?" Totoo naman ang kanyang sinabi, talagang gwapo si Padre Burgos kaya malamang gwapo din s'ya kasi kamukha nya si Padre Burgos.

Ahhhh! Leonora ano ka ba!

Bigla nya na lang akong binuhat na pang bridal way at tumawid sa kalsada upang malapitan si Padre Burgos. Nag-alala naman ako kagad noong binuhat nya 'ko dahil malamang ay makikita nanaman kami ni Padre Burgos.

"Kapatid!" Sigaw nito na may halong ngiti sakanyang mukha, napansin ko lang din na wala s'yang dimple hindi tulad ni padre Burgos.

Nagulat naman si Padre Burgos noong makita ang kanyang kapatid at dali-daling nilapitan ito, habang ako'y kanyang buhat-buhat parin. "Ibaba mo na ako, ginoo!" Mareklamo kong sabi, pero hindi nya ako pinansin.

Grabi din naman ang kapang-asaran ng lalaking toh! Nakakagigil!

Napahinto si Padre Burgos sa'ming harapan at mukha ding nagulat nung makita ako sa kamay ng kanyang kapatid.

"Oh, Fidel... Bakit hawak-hawak mo s'ya." Imbis na tanungin kung bakit nandito ang kanyang kapatid o kamustahin ay mas inuna nya pang itinanong kung bakit buhat-buhat nya ako.

"Napaka kulit n'ya kasi." Saad n'ya. "Ngunit hindi mo naman kailangan gawin iyon, isang hindi pagpapakita nang respeto ang iyong pinapakita. Buti pa bitawan mo na s'ya." Kagad nyang sagot ni hindi man lang binigyan ng chansang makapag-paliwanag si Fidel.

Gayunding sinunod ni Fidel si Padre Burgos at binitawan ako. Hinila naman ako ni Padre Burgos papalapit sakanya habang masama ang tingin kay Fidel. "Buti pa pumasok na muna kayo sa loob, malapit narin naman ang tanghalian." Sinabi nito na parang ayaw nang makarinig nang sagot, bagkus sundin na lang s'ya.

Mukha atang takot sa kanyang kuya si Fidel, nakakabiglang sya'y sumunod sa kabila ng kanyang kakulitan.

Noong makapasok si Fidel ay muling tumingin sa'kin si Padre Burgos, "Mukhang kasing likot ng mga aso ang iyong mata, binibini, sa tingin mo?" Mahinhin nyang sabi. "Ahh, hindi naman!"

Eto nanaman tayo! Bakit ba lagi nalang akong na-aawkward pag sya ang kaharap ko!

Bigla nya nalang akong sinandal sa pader, habang ang kanyang kamay ay nasa pader at ako'y nakakulong sa loob nya. "Alam mo bang mahilig akong bumawi?" Bulong nya. Ahhhhh! Nakakakilig, yung boses nya ang pogi talaga!

Bigla nya nalang akong binuhat kagaya nang ginawa ni Fidel, kung gayon yun pala ang kanyang ibig-sabihin.

"Ibaba mo na ako! Maraming nakatingin sa'tin!" Saad ko sakanya na may halong pag-aalala na baka makita ng ibang pari ang kanyang ginagawa.

"por favor suplica. (Magmakaawa ka.)" Bulong nya sa'king tenga. Hindi ko s'ya maintindihan kaya wala akong magawa kundi hayaan nalang s'ya.

Binaba nya naman ako kagad sa may pinto bago kami pumasok, at bago kami pumasok ay sinabi nya sa'king, "Focus." Yun ang huli nyang sinabi bago binuksan ang pinto.

Pagpasok nami'y dalawa nalang ang bakante ng upuan, isa sa tabi ni Delfina at isa naman sa ibang pwesto sa tabi ni Fidel.

Kumaripas ako sa tabi ni Fidel lalo pa't hindi ko kasundo si Delfina, kaya naman sa bandang huli ay tumabi si Padre Burgos sa tabi ni Delfina.

***

Habang kami'y kumakain ay imbis na mag focus si Padre Burgos sakanyang kinakain ay kanina pa s'ya tingin nang tingin sa'ming dalawa ni Fidel habang hindi namamalayan na nadudurog na ang kanyang steak dahil sa kaka tusok dito. Masama ang kanyang tingin sa'min habang pinagtutusok ang kanyang steak.

"Ah Padre Burgos, mukha atang nadudurog na ang inyong pagkain." Sinabi ng isa sa mga nandon, at kagad namang sumagot si Padre Burgos, "Ah ito ba? Mahilig talaga ako sa durog." He sarcastically said.

gomBURzaΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα