Ang ikalawa kong pag-ibig

419 1 0
                                    


Ako'y wasak ng ika'y makilala,
Ngunit pinulot mo mga piraso ng puso kong nadurog na.
ngunit ako'y natawa
Di mo kamuka si Marian Rivera,
ni wala ka nga sa kalingkingan Niya.

Hindi kagandahan,
pero may mabuting kalooban.
Sinamahan ako sa gitna ng kapighatian,
Dinamayan at pinakinggan.


Hanggang sa di namalayan,
Puso  ay nahulog na sayo ng tuluyan.
Ngunit nangangamba kung gayon di ba ang iyong nadarama,
baka kasi sa huli ako lang ang umaasa.

Nais ipabatid,itong nagwawala na damdamin.
Sana'y mapansin kahit di na sabihin,
Sapagkat ako'y hindi handa sa maaring maging iy tugon,
maaring ikakadurog ko at ikasasang-ayon.

Lalakasan ang loob upang maisaboses,
itong sumisigaw na pag- ibig.
Ang aking ikalawang pag-ibig na nagbigay lunas,
nawa'y maging masaya na ulit.

Mga Tula Where stories live. Discover now