sa ginoo

214 1 0
                                    

Para sa ginoong bumihag ng aking puso,

Sa comment section tayo nagkakilala
Nag-comment lang naman ako ng tama na
Pero bigla kang nag-chat ng 'hi,kumusta?'
Kaya kahit naguguluhan sinakyan parin kita

Hindi ko alam na ako'y mahuhulog
Ayan tulog pareho tayong hulog na hulog
Wala sayo lahat ng hanap ko
Pero nagawa ko pa ring umibig sayo

Hindi ka marunong maggitara
Di pa marunong kumanta
At ang masaklap ml player ka
Pero bakit inibig parin kita?

Wala sayo ang katangiang hanap ko
Pero mahal kita iyon ang totoo
Kahit wala ka man ni isa sa mga standards ko
Basta't mahal kita,yun lang ang nakikita ko.

Mga Tula Where stories live. Discover now