Manunulat

112 1 0
                                    

isang babaeng hawak ay panulat,
kung saan kanyang isinusulat
kung saan sa papel siya ay nagiging tapat
at naisusulat ang mga nakatagong sugat.

manunulat na puno ng pilat,
mula sa mga naghilom na sugat.
naghilom nga ba ng tuluyan,
kung paulit-ulit na binabalikan.

ang manunulat ay nagdurogo,
hanggang sa di na alam kung paano hihinto.
sa pagsusulat ng mga bagay,
na maaring makaapekto ng buhay.

ang isang manunulat ay bayani,
sapagkat sila'y nagliligtas sa pamamagitan ng mga salita.
sa mga kwento at tula na kanilang ibinahagi,
ay nag-bigay iyon ng aral at inspirasyon sa taong problemado at nanghihina.

Mga Tula Where stories live. Discover now