ganti

81 0 0
                                    

pagkatapos mo akong iwan,
ika'y nagmamakaawang ako'y balikan.
pero sige ika'y aking pagbibigyan,
at ikaw naman ang aking sasaktan.

ipaparamdam ko sayong mahal kita,
habang sa kalooban-looban ay nandidiri na.
pasasayahin kita palagi,
hanggang sa ako na ang magwagi.

ipaparanas ko sayo ang ginawa mo sa akin,
kung paanong sinaktan mo aking damdamin.
ngayo ako naman ang maghihiganti,
kasalanan mong ako muli  ang iyong pinili.


iiwan kita sa ere nang walang kaalam-alam,
unti-unti kitang papatayin sa sakit na iyong mararanasan.
habang ako'y nanonood sayong unti-unting nalalagutan,
ngisi ay pumorma sa aking rosas na labi,paalam.

Mga Tula Where stories live. Discover now