Ulan

471 7 0
                                    

   
     Puso ay nagdaramdam,
    Luha ay di na mapigilan
     Madilim na kalangitan
  Kasabay ng pagbagsak ng ulan

     Nakiramay  ang panahon
   Sa puso kong di na makaahon
    Bumaha ng luha ang mansyon
   Tunog ng hikbi na parang alon

      Ang puso'y nagdurugo
  Tubig'ulan ang siyang sumalo
      Sa gitna ng kalawakan
    Isang puso ang nagdaramdam

     Di ko na ramdam ang sakit,
  Parang puso ko'y biglang namanhid
   Hindi na hahayaang umubig ulit
    Itong pusong tila bato na sa
            pamamanhid.

   

Mga Tula Where stories live. Discover now