Ang daan

171 0 0
                                    

Ako ay naliligaw,
Di na makita ang ilaw.
Ako ay lumuluha,
Di na makita ang pag-asa.

Hindi alam kung saan tutungo,
Naguguluhan ang puso.
Pero bigla kong naalala,
Ang daan para matapos ang sakit na nadarama.

Si Jesus ang daan,
Ang aking naging sandalan.
Si Jesus ang naging kaibigan,
Ang naging karamay at kakwentuhan.

Siya ang daan,
Para matapos ang paghihirap mo.
Siya ang daan para  maalis ang ka sa kahirapan,
Sa pighati,pag-luha at kapaguran.

Kaibigan,kung ika'y nahihirapan,
Huwag kang magdalawang isip lumapit.
Kaibigan,kung ikaw ay nahihirapan,
May karamay ka sa lahat ng sakit.

Kaibigan,andayan si Jesus para sayo,
Andyan ang nag-iisang tagapagligtas ng tao.
Kaibigan ikaw ay manalangin,
At makikita mo ang daan kung saan, dadalhin ka sa kasiyahan.

Mga Tula Where stories live. Discover now