mukha

88 0 0
                                    

mukha ay walang kulay,
mata ay walang buhay.
ngiti ay halatang peke,
dahil di na kayang ngumiti.

pinilit kong magkaroon ng kulay,
ngunit mata ko na ang ayaw magbigay.
kapag ako'y nakaharap sa camera,
mukha ko'y parang matagal na pumanaw na.

nakikita ako ng maraming tao,
bilang masungit na tao.
sapagkat ako'y hindi tumatawa,
o walang emosyon ang aking mukha.

hindi ko alam kung bakit di'ko kayang ngumiti,
habang para sa iba ay kay dali lang.
paano ba maging masaya,
at malagyan ng buhay ang aking mukha?

Mga Tula Where stories live. Discover now