iyak

116 0 0
                                    

sa apat na sulok ng kwarto,
pag-iyak ang maririnig mula sa loob nito.
parang naghihirap na nasisiyahan,
ang lungkot ay itinatawa na lamang.

iyak na dahilan kung bakit nahihirapan kang huminga,
dahil sa luha'y mata mo ay nanlalabo na.
nakakatulog habang may natuyong luha,
at paggising iiyak na naman ng may maalala.

pag-iyak ang aking tanging magagawa,
gustuhin ko man lumaban ako'y mahina.
iyak,apat na letra,
pero pagkatao at maganda kong mata ay nasira.

Mga Tula Where stories live. Discover now