hindi tayo

136 2 0
                                    

hindi man tayo sa huli ang nakatadhana,
masaya parin ako na nakilala kita.
hindi man tayo hanggang sa huli,
hindi parin ako magsisisi.

kung hindi man tayo ang dulo,
magpapasalamat parin ako sayo.
salamat dahil dumating ka sa buhay ko,
at minsang kinulayan ito.

darating ang araw na magsisimula,
ang bagong kabanata na ang presensya ng bawat isa ay wala.
darating ang araw na wala ng ikaw at ako,
at hindi na mararating ng sabay ang dulo.

nakakalungkot lang isipin na,
sabay tayong nagsimula pero iba,
sa dulo iba ang ating kasama,
at mabubuhay tayo ng wala na ang presensya isa't isa.

kung darating man ang araw na tayo'y magkita,
nawa'y pareho na tayong masaya.
masaya na wala sa buhay ang isa't isa,
at aalalahanin natin ng sabay ang ating pagluha.

Mga Tula Where stories live. Discover now