huli na

110 1 0
                                    

tagu-taguan maliwanag ang buwan,
sigurado na ako sa nararamdaman.
ngunit pagbilang ng tatlo,
nalaman kong di ako ang gusto mo.

ako'y niligawan mo,ikaw ang unang nagkagusto,
habang ako'y hindi parin sigurado.
pero kung kelan kompirmado na,
tyaka naglaho ang pag-ibig na iyong nadarama.

mahal na kita,
ngunit ako'y huli na.
sapagkat puso mo'y binihag na ng iba,
at ito'y kaibigan ko pa.

kung pwede ko lang sanang ibalik ang nakaraan,
sasabihin kong mahal kita higit pa sa isang kaibigan.
ngunit ngayon ay huli na,
sapagkat ika'y masaya na sa piling ng iba.

Mga Tula Where stories live. Discover now