kumot

80 2 0
                                    

nakahawak sa aking kumot ng mahigpit,
habang umiiyak ng paimpit.
itinatago ang muka mula sa iba,
pati ang luha at sakit na nadarama.

ang puso ay nadurog ng milyon-milyong piraso,
habang ika'y tumatawa sa isang paraiso.
ako'y nalulumbay kasabay ng aking paghimig,
dahil sa sawi kong pag-ibig.

kumot ko ang naging iyakan,
sa bawat minuto ako'y prinotektahan.
sa aking paghimbing sa gabi,
ako'y niyayakap at palaging nasa aking tabi.

Mga Tula Where stories live. Discover now