gasuklay na buwan

218 0 0
                                    

nakaupo sa gilid ng bintana
liwanag mo ay tumatama sa aking muka
kahit ika'y nasa pinakamahina mong anyo
nagagawa mo paring bigyan ng liwanag ang aking puso

ako'y nalulunod sa iyong ganda
sana kaya ko ring magliwanag tulad mo kahit mahina ka
yung kaya mong ipakita sa iba na lumalaban ka
kahit nasa pinakamahirap na sitwasyon kana

gasuklay na buwan
sana katulad mo din ako,lumalaban
kaya lang pagod na din ako, kailangan ko ng sandalan
anong pakiramdam ng may maiiyakan?

marami akong di maisabi
natatakot mahusgahan ng marami
iba kasi lagi ang kanilang sinasabi
yung kwento mo dadagdagan ng ilang parte

walang nakakakilala ng tunay na ako
sa likod ng matapang na ako,ay may lihim na nakatago
kaya kong maipagtanggol ang iba
pero sarili ko,hinahayaan ko lang maapi nila

ang puso ko napupuno na,parang puputok na ata
di ko na kasi kaya
pero hayaan mo di ako umiiyak ng may kasama
ayaw ko namang may makakita,na isa pala akong mahina.

Mga Tula Donde viven las historias. Descúbrelo ahora