umaasa

184 3 0
                                    

nakatulala sa kawalan,
iniisip kung kelan ka magpaparamdam.
ako'y nanabik parin sa iyo,
ako'y patuloy umaasa na babalikan mo.

kelan ka babalik ginoo,
kapag ba naubos na ang tinta ko.
o natapos ko na isulat ang ating kwento,
na gawa-gawa lang naman ng isip ko.

sa kwento tayo'y masaya,
puno ng buhay at sigla.
ngunit sa reyalidad tayo'y wala na,
sapagkat matagal na nung lumisan ka.


sinusulat ang mga salita,
gamit ang aking panulat at tinta.
iuukit ko sa aking puso,
ang salitang iniwan mo na humati sa aking puso.

Mga Tula حيث تعيش القصص. اكتشف الآن