untitled

106 2 0
                                    

⚠️: Violence content.

Tagu-taguan maliwanag ang buwan,
May isang malagim na kapalaran.
Isang babaeng nawalan ng buhay,saksi ang buwan
Nawala ang puri,dangal na nauwi sa kamatayan.

Ginahasa sa ilalim ng kakahuyan,
Pinatay at iniwan.
Babaeng walang laban,
Namatay ng puno sa kahihiyan.

Ipaglalaban ito,
mapakulong lang ang taong nangmaltrato.
Pero kahit ang politiko,
kinampihan ang salarin sa harap ng maraming tao.

Taong gumawa ng krimen nagpapakasaya,
Binalot ng kalungkutan ang pamilya.
Di mahanap ang hustisya,
Pagtulo ng luha ang siyang tangi na lang magagawa.

Mga Tula Where stories live. Discover now