bangungot

142 1 0
                                    

Nakaahon na sa pagkakalunod,
Tapos na ang sakit at pagod.
Balak ng mabuhay ng masaya,
Ngunit ika'y nagbalik bigla.

Ngayong ako'y nais na lumaya,
Ngunit paano kung ikaw ay nagbalik sinta.
Ang akala ko'y tuluyan nang nabaaon sa limut,
Di ko akalain na muli na naman akong binabangungot.

Ikaw ba ay walang konsensya?
Matapos mo kong itapon,babalik ka na parang wala.
Ikaw ba'y walang awa?
Matapos mong ipamuka sakin na di ako sapat,babalik ka.

Ako ang nakikiusap sayo,
Tama na ang pagpapaasa mo.
Maari kasing umasa na naman ako,
Na ika'y di gaya ng ibang tao.

Ngunit alam ko naman ang reyalidad,
Na ang tunay na pag-ibig ay wala ng abilidad.
Nabalot na ng kasamaan ang mundo,
Nakalimutan na ang kahulugan ng tunay na pag-ibig ng mga tao.

Mga Tula Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum