untitled

94 0 0
                                    

Nakakapagod din pala maging masaya,
O baka naman hindi talaga.
Di ko mawari kung ako ba talaga'y masaya,
O nagpapanggap  na lang sa gitna.

Nangangalay na ang aking labi,
Hindi ko na talaga mawari.
Ako'y masaya ngunit malungkot,
Naalala ko ang ngiti ko ang pala nakikita ng mga tao.

Hanggang kailan ako magpapanggap,
Hindi ko alam kung ako ba'y kanilang tanggap.
Ang tunay kong pagkatao,
Kung saan madilim at nakakubli sa loob ko.

Isa akong binibining galing sa hiwalay na pamilya,
Araw-araw lagi akong may problema.
Ngunit hindi nila iyon nakikita,
Sapagkat sa ngiti ko sila'y namamangha.

Mga Tula Where stories live. Discover now